Diary Game Season 3: April 23, 2021 Ang Pagluluto Ko Ng Pagkaing Pinoy

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang araw sa lahat, lalong-lalo na sa mga magigiliw na magbabasa at palaging sumusuporta sa mga post ko dito sa Steemit Philippines. At welcome pala sa mga bago kagaya ko dito sa ating community. Ngayon, ilalahad ko sa inyo ang mga kaganapan ng aking buhay noong nakaraang araw.
Tayong mga pinoy ay mahilig sa pagkaing gawa ng sariling atin. Panghimagas, mga ulam at iba pa.
Araw ng Byernes, April 23, 2021 . Umaga palang ay tumawag ang mama ko na magluluto daw kami ng maruyang saging pang meryenda. pumunta kasi ako sa bahay ng Tito ko para bumisita sa kanila. At doon ako natulog, kaya kinaumagahan, tinatawagan ako. Agad naman akong naghanda sa aking sarili. At swerte naman na nakasakay ako agad.

IMG_20210426_065306.jpg
Habang nasa byahe, ay may napansin akong isang lugar na malapad at napakaganda. Ang lugar na ito ay punong-puno nga maberdeng dahon ng palay, at nasisinagan ng araw na mas lalong nagpapaganda nito. May mga tao rin na nakikita ko at lahat sila ay abalang-abala. May nag-aararo, nagtatanim at may mga bata na naglalaro. Talagang masaya silang tingan, na kahit mainit ang panahon ay tila magaan lang para sa kanila ang kanilang mga trabaho.

Nang na nakarating na ako sa amin, ay sakto at nag-aalmusal silang mama, niyaya nila akong kumain ng almusal.
IMG_20210426_083243.jpg
Tuwang-tuwa naman ako kasi ang ulam namin ay ang paborito kong isda. Sinangag ang pagkakaluto nito namay kasamang sili kaya mapaparami talaga ako ng kain. Pagkatapos naming kumain, nagsimula na akong magbalat ng saging. Habang si mama ay kumuha ng harina.

IMG20210424085557.jpg
Pagkatapos kong balatan ang saging ay hiniwa naman ito ng hugis pamapay para maging magandang tingnan.
IMG_20210424_090250.jpg
Ibinabad sa may harina at dahan-dahang tinatabunan ng harina na may tubig. Ang dahilan kung bakit linalagyan ng harina ay upang mas masarap ang maruyang saging na nilolotu.
IMG20210424085605.jpg
Ibinabad muna namin ng ilang minuto habang nagpapainit ako ng mantika. Habang ginagawa namin ito ay nagkekwentohan naman kami ng nanay ko tungkol sa mga bagay-bagay. At nang mainit na ang mantika ay sinimulan ko na ang pagluto.
IMG20210424090346.jpg
Ang bango ng niluto ko ay abot sa boung bahay. Habang nagluluto ako ay ramdam ko ang akung gutom habang nakatingin sa niluto ko. Madali lang itong lutuin, mga 2 minuto luto na.
IMG20210424092158.jpg
Eto ang aming finish product, maruyang saging. Mas masarap ito kapag nilagyan ng asukal at margarine. Pagkatapos kong lutuin lahat ay namahagi naman kami sa aming kapitbahay na nakatira lang sa aming tapat. At masaya kaming kumakain.
Tunay na masaya ang kainan kapag kompleto ang pamilya sa hapagkainan. Punong-puno ng kasiyahan at pagkakaisa.
FB_IMG_16177098671976945.jpg

Sort:  
 3 years ago 

Your place is paradise @jb123! With the pandemic going on, alot of people are wishing they could live in a place like yours. Lush greens all around, fresh air, fresh food, happy people. With this kind of environment mentally, physically, and psychologically you are well and balanced. Your state of being is perfect.
Imagining now, writing my post for steemit with your view.
I love that you are a loving son to your mom and that you love making her happy like when she told you to come home so you can make and cook maruya. Then your chit chats together!! wow! that topped it all. Spending quality time with our love ones are the most important gift we can give to them. Accumulating Happy memories, adding them to our Happy memories bank account😉
Your maruya looks perfect👍
Growing up in Cebu we call this pinaypay because of its fan-like shape.
Happy day to you!

 3 years ago 

Your comment is so very touchy ate.. thank you for appreciating my place.. 😊😊 Godbless .. 😊😊

 3 years ago (edited)

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

 3 years ago 

Thank you very much.. 😊😊

 3 years ago 

SARAP NG MARUYA!!! At sa ganitong oras ko pa nakita. :(

 3 years ago 

Salamat ate.. ako po nagluto nyan.. 😊😊

 3 years ago 

Saging pa more

 3 years ago 

Opo nay.. 😊😊

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 65092.40
ETH 3470.06
USDT 1.00
SBD 2.50