Diary Game Season 3: April 13, 2021; Ang Pagbisita Ko Kay Kuya Romel Jaudian
Magandang umaga sa ating lahat mga kaibigan lalong-lalo na sa mga magigiliw na magbabasa at sumusuporta sa mga post ko dito sa steemitphilippines. Sana nasa magandang kalagayan tayong lahat ngayon. Narito na naman ako para isasalaysay ko ang mga magandang pangyayari ng buhay noong nakaraang buwan. Kahit medyo matagal na pero napakahalaga yun para sa aking buhay.
Tayong mga pinoy kinaugalian na natin ba bibisita sa ating mga kamag-anak, mahal sa buhay at sa mga kaibigan. Kaya ko, April 13, 2021, nagpasya akong bumisita kay kuya Romel Jaudian sa lugar nila.
Medyo may kalayuan ito kaya kailangan pang sumakay ng motor o BAJARY para makapunta sa kanila. Noong nagplank pa akong pupunta ay nagtext na ako kay kuya na pupunta ako. At sumang-ayon naman siya. Pagdating ko sa Paniangan, ang lugar kung saan nakatira si Kuya, ay agad akong bumaba sa sinasakyan ko. Nagmamasid sa bahay niya kasi hindi ako makalapit dahil sa mga aso na nakaharang sa daan. Buti nalang at naiisipan kong pumunta sa munting Garden nila na malapit sa ilog. At doon ko nakita si kuya. Abala sa pagkuha ng mga saging.
Medyo matagal kaming nag-uusap sa garden niya at tungkol sa crypto ang paksa namin. Pagkatapos, pumunta na kami sa bahay niya. Tinulungan ko si kuya sa pagdala ng mga saging at sa pagbenta nito. Dahil sa kanilang magandang asal at pagmamahal sa kapwa ay inimbitahan nila akong mananghalian kasama ang mama ni kuya. Pagkatapos, hinugasan ko ang mga plato na pinagkainan namin at patuloy ang usapan tungkol sa mga bagay-bagay gaya ng crypto.
Kinaugalian ko na talaga na bibisita sa Kanilang Kuya. At ang pangunahing paksa talagi namin ay ang crypto. Mga testimony niya noong nagsimula pa siya sa steemit at ang pagiging success niya nito. Talagang namangha ako sa kanya, dahil nakita ko rin noong una na palagi siyang pumupunta sa internet café at doong mag blog. Pero ngayon, may sariling wifi na bunga din sa crypto at sa kanyang pagsisikap.
Habang nag-uusap kami ay binigyan niya ako ng pang meryenda, isang biscuit at nagpapasalamat naman ako. Naaliw at namangha talaga ako sa mga testimony ni kuya tungkol sa crypto.
Nagpapasalamat rin ako kay kuya @loloy2020 sa walang sawang pagturo sa akin dito sa mundo ng crypto.
Yan po ang friendly tasking ko, ang pagbisita sa aking Kuya.
Mabuti at nakavisit ka kina Romel.
Opo..
Napakasarap sa pakiramdam kapag ikaw ay nakabisita sa isang kaibigan.
Ang sarap ng walang sawang kwentuhan eh lalo pa sa paksa ng pagkakakikitaan😉👍.
Ang ganda pla ng kugar nila Sir Rommel, ang daming saging, fresh harvest. Maraming buhay talaga ang nabago dahil sa pagsusilat dito sa steemit at pati na din sa ivang online platforms. Mapalad tayo at natagpuan natin ang mga ito.
Maraming salamat sa iyong pagbahagi sa amin ng iyong masayang araw.
Walang anuman ate.. 😊😊 salamat din po at nagustuhan nyo po ang post ko.. 😊😊
Gayaan at sundin payo no kuya loloy mo.at pag yayaman na kayo turusn ninyoga kaputbahay
Opo nay.. 😊😊
Opo ate 😊😊
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.
Anroja
Thank you...