Burnsteem25|| December 12,2022|| Diary Game Season 3|| "Beach Photography"
Isa sa mga hayop na nakita ko kanina ay itong tinatawag na sponge. Kadalasang makikita ito sa ilalim ng malalaking bato o sa mga botas ng mga corals. Ang kinakain nito ay mga maliliit na mga uri ng hayop o phytoplankton at mga maliliit na isda o fingerlings. May mga ibat-ibang uri ng sea sponge ang makikita dito, at ang kadalasang kulay na makikita dito ay kulay pula at brown. Mabilis itong gumapang sa mga mababatong lugar. Hindi ito pwedeng kainin at tanging ang kagandahan at hitsura lang makakabighani nito para sa mga tao.
Napansin ko rin itong isang uri ng alimasag na nagtatago sa butas ng malalaking bato. Kapag madaling araw ay nagtatago ang ganitong uri ng hayop at kapag gabi naman ay lumalabas ito para manghuli ng makakakain. Pwede rin itong kainin at masarap ito sa sinabaw. Mabilis itong tumakbo at nagtataglay ito ng magagandang kulay gaya ng pula, puti at minsan ay itim. Ang mga taong nakatira malapit sa dalampasigan ay mahilig manghuli nito.
Dahil low tide, marami ang pumunta sa baybayin para manghuli ng mga alimasag, hipon, isda, at seashell na pwedeng kainin. Minsan nangunguha din ako ng mga ito para may pang-ulam na sa bahay. Sakto at pagpunta namin kanina ay maganda ang panahon kaya nakakagala talaga kami kanina. Kahit mababato ang lugar ay may maganda naman pagliliguan dito, hindi kasi lahat ng lugar dito ay puro bato ang makikita, may mga buhangin din naman.
Namangha din ako sa mga batong ito dahil nakahelera ito sa gilid ng dalampasigan. Ayun sa iba na lubos na nakakaalam nito ay matagal nang panahon ang mga batong ito dito sa dalampasigan. May mga bata rin na paakyat-akyat dito. Ito ang tinatawag naming pagang, isang uri ng bato na isa sa mga kasangkapan sa pagawa ng semento. Nakakatulong din ito para may pamugaran ang mga isda , hipon, alimango at marami pang iba. Ang ibang mga bato ay natutubuan na ng mga halaman gaya ng mangrove na siyang nakadaragdag sa ganda ng lugar.
Naaliw ako sa mga magagandang lugar at mga hayop na nakita ko kanina. Kapag patuloy lang itong pangalagaan ang ating kalikasan ay tyak matatamasa talaga natin ang kagandahan at kasiglahan nito.
You've got a free upvote from witness fuli.
Peace & Love!
Thanks..
TEAM 5 CURATORS
This post has been upvoted through steemcurator08. We support quality posts anywhere and with any tags.
Curated by: @chant
Thank you very much for the support.
Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.
Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.
Thank you very much..
Date Evaluated: Dec, 13, 2022
Feedback: Continue creating more valuable content like this one, Keep it up
I will sir. Thank you for evaluating my post.
nindot magpahangin dihang dapita.
Yes ate, nindot gyud 😊😊
Kuys nakaka kilabot Yung sponge Kung tawagin malamang mapa talon ako Sa takot. Ang gaganda din Ng mga larawan mopo chaka Ng tanawin
Nakakatakot ngang tingnan ate. Maraming salamat po sa pagbisita sa aking post. 😊😊
Ganda po ng mga shots nyo. Pariho po pala tayong mahilig sa photography.
Salamat po.. 😊😊
Alimasag pala yun? Kahit anong titig ko hindi ko talaga makilala hihihi.