"Post your most amazing christmas photo chalenge" by @janeaugusto// december 5 2021 // #club5050 My big family pajama partys photo

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

IMG_20211204_133247.png
Magadang araw po sa lahat ng mga steemians family Advance merry chritmas po sa ating lahat.Heto na naman po ako upang ibahagi sa inyo ang aking kwento noong nakaraang pasko taong 2020.
Masasabi ko po sa aking sarili ito na po ang pinakamasaya kong memories sa pasko na hindi ko po malilimutan dahil firt time lang po namin naranasam magkapatid na excluisive lang po ang party sa amin lang pong magkalapatid ang party . dahil din po paminsan minsan lang po kaming kompleto magkakapatid, na magkasalu-salu kapag may okasyon lalong lalo na kapag pasko.masayang masaya ang lahat ng tao lalo na kapag kapaskuhan na dahil may mga bonus sa mga taong may mga trabaho at 13month din may mga giveaways na pamimigay sa mga ibat ibang kompanya at maraming partys sa buong mundo at excited din tayo sa mga matatanggap din nating mga regalo.pero ang importante sa lahat ay kumpleto ang ating pamilya at higit sa lahat healthy din po tayo lahat sa lahat mg oras. pagsalubong natin sa pasko at bagong taon. Sa pagdiriwang natin sa kapanganakan ng ating maykapal.
ang mga larawang ito kuha pa noong isang taon 2020.kagaya po ng ibang tao excited po kami .
dahil sa taon na ito may pajama party po kami lahat ng aking kapatid at bihira lang po itong mangyari sa amin na magkasalu salu po dahil ang iba ay nasa malayong lugar po.natutuwa po kami dahil bukod po sa may party kami may libre din po kaming mga pajama na suotin namin sa party.

IMG_20211204_154725.jpg
Masayang masayang po ako dahil sa araw na yon halos kompleto po kaming magkakapatid
maliban lang po sa isa ko pong kapatid na nagtrabaho sa ibang bansa na siya ring magbigay taon taon sa amin ng mga regalo at pamaskong pera masaya po ako at ang aking mga kapatid ring iba dahil kahit nasa malayo sila nakatira sinikap parin po nilang maka punta sa aming party.Ang iba ko pong kapatid ay nakatira sa malayo sa amin nasa probensiya ng Cebu CIty tapos kami nakatira dito po sa lapu lapu,Ang iba naman naming kapatid ay hindi masyadong malayo sa aming bahay malakad lang po sa amin.
Kahit may covod napo last year hindi po ito nakapigil sa pagpunta sa party nang aking dalawang kapatid sa bahay ng aking kapatid na doon po kami nag party.pumunta po kami lahat pati na yong mga anak ko.natutuwa po ako dahil ang mga anak ko ay pumunta rin doon.Sa toto lang po ang mga anak ko bihira lang po itong pumunta sa bahay ng aking mga kapatid kahit papo may mga okasyon mahihiyain po sila,pero nadala ko po sila dahil sabi ng kapatid ko na siyang nagbibigay ng pa premyo sa chritmas party namin at maging sa games po namin, Sabi po ng aking kapatid na taga bigay ng premyo ang hindi makapunta sa chritmas party walang perang matatanggap.kaya napilitan po ang ang lahat pumumta.dahil bukod po sa pera meron ding bigas na pa premyo.At ang importante po nagkaisa po kaming lahat dahil bihira lang po itong mangyayari po magkasama maliban lang po sa ate ko na nasa ibang bansa.
IMG_20211204_154750.jpg
natutuwa po kami dahil meron rin po kaming exchanging gifts.

IMG_20211204_155036.jpg at mga games .ang iba kong kapatid ay sumali sa mga games kaya nakatanggap po sila ng bigas dahil sila po ay nanalo sa games.

Screenshot_2021-12-04-08-42-57-808_com.facebook.katana.jpg

IMG_20211204_154810.jpg

Screenshot_2021-12-04-08-44-29-786_com.facebook.katana.jpg
masayang masaya rin po ang aking mga pamangkin.dahil may natatanggap din po silang papremyong pera
IMG_20211204_154840.jpg
pagkatapos po naming maglaro ng games kami ay kumain na po lahat,at habang kumakain kami nagkwe kwentuhan dahil hindi po kami araw araw na magkikita dahil ang iba naming kapatid ay nasa sa probensiya nakatira malayo po sa amin.at bandang alas dose ng gabi binibigay napo sa amin isa isa ang pamasko naming pera.
Screenshot_2021-12-04-08-43-12-078_com.facebook.katana.jpg At pagkatapos po ng party kami ay umuwi na po kami upang doon din namin ipagpatuloy ang aming celebrasyon sa bahay namin,ang iba naming kapatid doon na natulog dahil malayo sila makitira sa probensya po ng Cebu.Masayang masaya po kaming nasipag uwian sa aming bahay.

ito po ang aking entry sa contest napong ito sana magustuhan nyo po.

Iniimbitahan ko na sumali sa contest na ito sina @jeanalyn, @jenniferocco @mayphine si @natzo4 at si @chivasarkanghil

Maraming salamat po sa pagbasa
Truely yours po
@janeaugusto

Sort:  
 3 years ago 

wow, basta Pasko walang space ang lungkot....sobrang saya, may covid man o wala...nice🥰

 3 years ago 

salamat po

 3 years ago 

Super duper lingawa ani uie... nagtapok jud ba...

 3 years ago 

salamat po! nagkatapok jud ang tanan ma'am lingaw kaau bisag layo ang biyahe sa uban nakong igsoon..

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.25
JST 0.038
BTC 96057.07
ETH 3334.98
USDT 1.00
SBD 3.06