ANG PAMAMASYAL NAMIN/11-20-2021/20% goes to steemitcuratorph

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

CollageMaker_20211120_094750338.jpg
Good morning po ! Specially sa lahat ng mga stemians family. Ngayong araw na ito nais ko pong ibahagi sa inyo ang aming lakad kahapon ng aking asawa pagkatapos ng kanyang trabaho kahapon.Noong isang gabi pag uwi ng aking asawa galing sa kanyang trabaho sabi nya bukas sunduin mo ako sa labas ng aming trabahoan, pagkatapos daw ng kanyang trabaho pupunta daw kami sa bahay ng kanyang ka trabaho dahil daw fiesta sa kanilang lugar iniimbitahan daw siya kasama ako,masayang masaya ako at excited narin. Noon kasi ng maliliit pa ang aming mga anak pupunta talaga kami taon taon kapag fiesta dito sa lapu lapu City sa lungsod namin,malayo sa aming bahay ng kaunti ang lungsod namin mga 30 mins
ang layo kapag sasakay kami ng jeep dahil na sa baranggay mactan po kami nakatira.Noon kasa-kasama namin palagi ang aming mga anak tuwing kapistahan dito sa lungsod namin masayang masaya ang aming mga anak dahil pagkatapos naming pumunta sa simbahan para magsindi kami ng kandila at magdasala kami ay kakain sa jollibee kasama ang aking mga anak o sa barbecuehan minsan. Pagkatapos naming kumain dadalhin namin sila sa plaza para makapaglaro sila at ma enjoy sila ng lubusan sa plaza marami ding mga tindang laruan at bibilhan din namin sila ng mga laruan,masayang masaya ang aking mga anak na dimo ma explain ang kanilang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Ngayong malalaki na sila hindi na sila sasama sa amin lalo na ngayong mga binata na sila,sila nalang ang lalakad isat isa kasama ng kanilang mga kaibigan,siguro marahil mahihiya na silang sumama dahil sila ay mga binata na.Kahapon mga bandang alas 3:30 ng hapon ako umalis sa aming bahay para sunduin ko ang aking asawa sa labas ng kanyang trabahoan,eksaktong 3:50
po ako dumating.Ako ay naghintay ng kaunti sa aking asawa dahil alas kwatro ang kanyang labas,at nang nakalabas na sya sumakay kami ng bus dalawa papunta sa kanyang kaibigan para mamista.
received_472307714221477.jpegat ng nakarating na kami sa bahay ng kanyang kaibigan,umupo muna kami saglit mga 15 mins dahil narin naghanhanda pa sa mesa ang kanyang kaibigan,
at pagkatapos kami ay kumain na kasama rin ng ibang mga kaibigan ng aking asawa.

received_581253459792593.jpegPagkatapos naming kumain umopo muna kami at
masayang nag kwentuhan at nagtatawanan mga bandang 7:15 kami umalos sa bahay ng kaibigan ng aking asawa,pagkakatapos ng naglalakad kami papunta sa simbahan mga 3 mins na aaliw kami sa aming mga nadaan dahil maraming mga tinda,makatawag pansin sa iyong mga mata.nang nakarating na kami sa simbahan ng aking asawa kami ay dumiritso sa itaas ng simbahan para humalik sa birhen at magdasal.

CollageMaker_20211120_092443639.jpg pagkatapos naming magdasal kami ay bumaba ng simbahan para magsindi ng kandila,kaso lang nakalimutan ko itong picturan.pagkatapos namin sa simbahan pupunta sana kami ng plaza dahil may mga panibago daw na mga magagandang tanawin doon kasi bago itong pina renuvate pero hindi kami natuloy dahil mahaba ang pila dahil narin may sosyal distancing.Kaya hindi kami tumuloy.Naglalakad na naman kami ng mga 4 mins papuntang sakayan ng jeep kasi malayo layo rin ito dahil sinirhan ang daaan ng mga jeep dahil sa fiesta.at nang nakarating na kami sa sakayan ng jeep kami ay natuwa kasi walang masyadong pumila hindi kayaga noon noong wla pa ang covid sobrang haba ng pila.

Hanggang dito nalang po
Maraming salamat po sa pagbasa
Iyonglingkod po,
@janeaugusto

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 57112.10
ETH 2405.80
USDT 1.00
SBD 2.28