STEEMIT PHILIPPINES,PHOTOGRAPHY CONTEST WEEK#4-BLACK AND WHITE PHOTOGRAPHY ..BOTIKA |10% rewards to @steemph-curator

in Steemit Philippines3 years ago

Isang magandang araw sa ating lahat, naway nasa maayos na lagay tayong lahat nais kung ibahagi sa inyong lahat ang aking ginagawang kaunting salaysay ito ay ang patungkol sa Isang BOTIKA kung ano ang kahalagahan at ang kahulugan into.
IMG_20210918_180010.jpg

BOTIKA ay Isang estabisyamento na nagtitinda at nagsusuplay ng mga gamot at medikal na gamit. Kahit saang lupalop ng daigdig ay marami tayong makikitang mga tindahan na nagtitinda ng ibat-ibang klaseng gamot .Hindi lang gamot para sa tao ngunit may tindahan din nagtitinda na gamot pra sa mga hayop.

Tayong mga tao ay may iba ibang pananaw hinggil sa mga gamot,sa panahon ng ating mga ninuno Lalo na yong nakatira sa mga bulubunduking lugar kadalasan hindi sila gumagamit ng mga gamot sa pamamagitan ng mga tableta o antibayotik ngunit ang kanilang ginagamit ay ang mga dahon ng halaman o herbal na mga tanim na makikita lamang sa kapaligiran mayroon ding gamutan na espiritwal ngunit sa panahon natin ngayon ang espiritwal na pagamutan hindi na masyado umiral sa pagkat nasa bagong henerasyon na tayo o nasa mataas na teknolohikal.

Ang gamot ay medisina na nagpapagaling sa mga taong may karamdaman o sakit.Mayroong ibat ibang klase ang gamot at ito ay naaayon din sa bawat karamdaman ng tao.Ang gamot ay nakabubuti sa ating kalusugan kung itoy ginagamit ng maayos at kung sumusunod sa tagubilin ng doctor ngunit ang gamot din ang sanhi ng mga masasamang pangyayari sa ating paligid kung itoy ginagamit sa masasamang paraan at labis na dosis sa pag gamit nito.Ito ay ang pagiging adik sa druga .kung ang Isang tao ay naging adik sa druga kadalasan sila ay laging wala sa sarili at ito ang dahilan upang makagawa ng masasamang bagay sa kapwa. Kaya dapat maging wais sa pag gamit nito.

Alam nating lahat na may matinding pinagdadaanan tayo at hanggang ngayon ito ay ating hinaharap ang Pandemya o Corona Virus desease.Ang covid-19 ay may malalaking epekto sa ating ekonomiya halos lahat ng ating pinagkukunan ng kita ay apektado din at ngayon din natin higit na nalalaman kung ano ang halaga ng ating mga BUHAY at ang kahalagahan ng mga gamot.

Lahat ng mga pagsubok ,paghihirap at mga hindi kanaisnais na pangyayari na ating pinagdadanan ay pawang temporaryo lamang at ito ay lumilipas din.Kahit ano ang ating pag iingat sa sarili tanging ang may Kapal lamang ang nakakaalam sa lahat.Kayat hanggat tayoy nabubuhay ipapasa Dios natin ang lahat kailangang palakasin natin ang ating pananampalataya at maging maingat sa sarili
Maraming salamat...

Iniimbitahan ko sina @joceflor @recheltajale @gracetorrion upang sumali sa contest na ito .

Sort:  
 3 years ago 

Busy ngayong pandemya

 3 years ago 

Let's just keep hoping and praying ^_^
Total rating: 9.2

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.9
Creativity.9.2
Technique.9
Overall impact.9
Story.9
Total score.9.04

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59238.58
ETH 3176.28
USDT 1.00
SBD 2.45