STEEMIT PHILIPPINES OPEN MIC WEEK #8// IINGATAN KA by: CAROL BANAWA// 20 STEEM PRIZE POLL

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Hello @steemit how are you all guys hopefully we are in good health despite of all the trials we've been encounter to our daily lives.

First of all nais kung magpasalamat sa Steemit lalo na kay maa'm @oilivia08 sa pag likha ng patimpalak na ito. Narito na naman akong muli para ibahagi sa inyong lahat ang aking napiling awitin.
Ang pamagat ng kantang ito ay IINGATAN KA by. Carol Banawa.
Ang awiting ito ay ang isa sa mga paborito kung tagalog songs.
Ang kantang ito ay inihahandog ko sa aking Inay at sa lahat ng mga Nanay sa buong Mundo.

Hindi ko maitatanggi na akoy isang single parent sa anim kung mga anak at sa lahat ng mga pangyayaring natatamo ko sa aking buhay maganda man o pangit may isang tao akong sinasandalan sa lahat ng oras at ito ay aking Inay o Mama. Malaki ang naging ambag sa buhay natin ang ating Inay sapagkat kung wala sila wala rin tayo ngayon sa mundong ibabaw.
Ang aking Ina ang siyang nag aalaga sa aking mga anak sapagkat malayo ang pinapasukan kung trabaho at ang bahay ko ay just a step closer to my Parents house kaya sa kanya ko ipinagkatiwala ang aking mga anak at ang Ina ko ay mapag alaga sa kanyang mga apo hindi lang sa mga anak ko pati narin sa mga anak ng mga kapatid ko kaya kahit tuwing linggo ko lang makapiling ang aking mga anak dahil sa aking trabaho ay naging maluwag sa aking dibdib sa tuwing wala ako sa aming bahay sapagkat alam ko na nasa mabuti silang kalagayan kapiling ng aking pinakamamahal na Ina.

Ang pagiging Ina ay hindi madali sa kadahilanan ikaw ang magdadala ng sanggol sa iyong sinapupunan at ito ay isang pinakamalaking responsibilidad na iyong gagampanan sa hinaharap.
Hanggang sa pagpalaki nila responsibilidad natin turuan sila ng magagandang asal upang sila ay lalaki na may takot sa Diyos. At sa panahon natin ngayon hindi natin maiwasan na minsay may mga balitang masasama patungkol sa mga pangyayaring hindi ka nais nais gaya ng minsay may mga anak na naging brutal sa sarili nilang mga magulang siguro dahil narin sa henerasyon o ang pagka impluwensya sa lipunan gaya ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot na ang naging epekto nito ay ang mga masasamang pangyayari sa lipunan.

Kaya habang may panahon pa dapat nating igalang at mahalin ang ating mga magulang sapagkat kung darating man ang panahon na lisanin nila ang mundo ito may mga masasayang ala ala tayong madadala hanggang sa pagtanda natin dahil hindi na natin maibabalik pang muli ang mga nakalipas na pangyayari.

IINGATAN KA

by:Carol Banawa

Sa buhay kong ito, tanging pangarap lang
Ang iyong pagmamahal ay makamtan
Kahit na sandali kita ay mamasdan
Ligaya'y tila ba walang-hanggan
Sana'y 'di na magising kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay ang tatahakin
Minsan ay madarapa, minsan din ay luluha
'Di ka na maninimdim
'Pagka't sa buhay mo ay may nagmamahal pa rin
Iingatan ka, aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y may gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking inay, ikaw ang nagbigay ng buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na
Sana'y 'di na magising kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay ang tatahakin
Minsan ay madarapa, minsan din ay luluha
'Di ka na maninimdim
'Pagka't sa buhay mo ay may nagmamahal pa rin
Iingatan ka, aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y may gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking inay, ikaw ang nagbigay ng buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na
Iingatan ka, aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y may gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nagmamahal, aakay sa iyo
Aking inay, ikaw ang nagbigay ng buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na
Pangarap ko na makamtan ko
Source:MusixMatch

Hanggang sa muli maraming salamat
More Power and Mabuhay
Steemit Philippines....

I will invite my friends to share thier entry too
@liamnov @angelycong @gracetorrion

20% payout to @steemitphcurator

Truly Your's,
@itsmejos

Sort:  
 2 years ago 

Magandang ang pagkakanta, pati na ang kanta .. 😊😊👏

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 69831.92
ETH 3744.43
USDT 1.00
SBD 3.77