POST YOUR MOST AMAZING CHRISTMAS PHOTO CHALLENGE // ANG AMING MUNTING CHRISTMAS TREE// by;@itsmejos /12-10-2021

in Steemit Philippines3 years ago

A blessed day to all of my friends here in Steemit especially in Steemit Philippines. Nais kung magbahagi ng aking entry sa patimpalak na ito.

PhotoGrid_Plus_1639130113832.jpg

Tayong mga mamamayang Pilipino at sa lahat ng tao sa mundong ito ay nagagagalak sa nalalapit na Christmas Day o EMMANUEL which means GOD is with us. Ito ay isang pagdiriwang sa pag silang ng ating Poong maykapal na si Hesukristo halos lahat ng tao ay nasasabik sa araw na ito. Pasko ay araw ng pagtitipon sa lahat ng miyembro ng pamilya ito rin ang panahon na tayo ay nagsipaghanda ng ibat ibang klaseng pagkain sa hapag kainan.At ito rin ang panahon na tayo ay nasasabik na makatanggap ng biyaya O 13th month pay bilang isang manggagawa.
Pasko ay ang pinakamagandang panahon ng kapatawaran sa lahat ng pagkakamali na nagawa natin sa ating mga sarili at sa ating kapwa ,panahon ng pagmamahalan at bigayan.

Screenshot_20211205_155843.jpg

Ito ang aming munting christamas tree
bawat christamas season ito lang ay ginagamit naming pang dekorasyon sa bahay sabi ng Ina namin ito lang talaga ang nag iisang christmas tree na ginagamit nila hanggang sa umabot kami na walong magkakapatid at may kanya kanyang pamilya na din, ang mga munting ilaw lang ang napapalitan dahil na rin sa kalumaan
hanggang sa nakasanayan narin namin. Tuwing pasko kaming mga magkakapatid at ang aming mga mahal sa buhay ay doon sa bahay ng mga magulang namin kami ay nagtitipon yon na ang nakasanayan namin na doon naming sasalubungin ang pasko. As our loving Mother said hindi importante ang paramihan ng mga materyal na bagay at mga pagkain sa tuwing pasko ang pinaka importante ay ang presensya sa lahat ng miyembro ng pamilya at ang pagkakaisa sa pagsalubong ng kapaskuhan. Kahit maliit man ang aming christmas tree ang mahalaga ay sama sama kaming lahat at nagmamahalan.

FB_IMG_1639056079363.jpg

IMG_20211209_221749.jpg

FB_IMG_1639056034883.jpg

Ang larawang ito ay kuha pa noong nakaraang taon lubos kaming nasisiyahan sa araw na ito sapagkat hindi lang pasko ang aming sinalubong kundi bulan ng Disyembre 25, ay kaarawan din ng aming mahal na Ama at kaarawan din ng aking pangatong anak na babae kaya kaming lahat na miyembro ng pamilya ay nagagalak na sasalubungin ay petsang ito. Araw ng pasko ay ang pinakamasayang araw na minimithi ng bawat isa at ang pagsalubong ng bagong taon.

Bagong taon ay inihahantulad din sa pagbabago ng ating mga maling gawain sa nakaraan ito ang mabisang araw ng pagsisimula sa bagong buhay at bagong Pag -asa sa bawat isa sa atin.
Kahit gaaano man kaliit ang aming christmas tree ay ganun din ka rami o kalaki ang aming pamilya. Sama sama kaming magtulungan sa hirap at ginhawa ng buhay at isang pamilya na puno ng pagmamahalan.
Hanggang dito na lamang maraming salamat Po.

I would like to thanks @steemit Philippines for extended this contest.
More Power and Mabuhay...

I will invite my friends @gracetorrion @angelycong @analizasuperales to share thier entry too.

20% para sa @steemitphcurator

Truly Your's,
@itsmejos

Sort:  
 3 years ago 

wow, so triple celebration pala ang Christmas day natin... ka nice oi🥰

 3 years ago 

Hello maa'm @fabio2614 yes Po nagkataon na parehong petsa 😇 salamat

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 56758.93
ETH 3033.46
USDT 1.00
SBD 2.30