Diary Game Season 3 (November 1, 2021) Ang pagmamahal at pag aalaga ko sa aking anak

in Steemit Philippines3 years ago

IMG20210522100133.jpg

Walang ano man sa mundo ang maka pag timbang kung gaano ka mahal ng isang ina ang kanyang anak. Walang sino man ang may karapatan na humusga bakit, paano, at gaano natin kamahal ang ating mga anak lalong lalo na kong lahat tayo ay magka iba ang pananaw at oag aalaga. Ang importante sa lahat ay hindi sinasaktan, hindi iniiwan at lalong lalo na hindi pinapapabayaan ang mga ito.

Sa bawat araw mula nuong ako ay nagdadalang tao pa lamang kay Eva, lubos na ang aking pasasalamat dahil hindi ko inaakala na ako ay biyayaan kaagad ng Diyos pagkatapos kong ikasal. Akala ko nuon dahil ako ay may edad na, ay mahirap na para ako ay mabuntis agad-agad. Isang napakalaking milagro at blessing iyon para sa akin at sa aking kabiyak. Niregalohan kami nang maykapal ng napakalaking biyaya sa aming pagsasama pagkatapos sa masakit at mapait na dinaranas ng dahil sa pandemya.

IMG20210429173913.jpg

Nung isinilang ko na si Eva, laking tuwa ko ng una ko siyang masulyapan. Ang sakit at pagod na aking nadarama pagkatapos siyang ilabas sa aking sinapupunan ay natumbasan ng saya. Nagpapasalamat din ako sa mga doktor at narses na tumulong sa akin. Hindi naging madali ang lahat pero sinisikap ko kinakaya ang lahat ng pagsubok.

Katuwang ko palagi ang aking mahal na asawa sa pag aalaga kay Eva at sa lahat ng bagay sa pang araw araw. Salamat din sa panginoon na binigyan nya ako ng katuwang sa buhay.

IMG20210522100133.jpg

Ngayong araw na lunes ay schedule para sa paglalaba sa damit ng aking anak. Dalawang beses sa isang lingo ako maglalaba ng kanyang mga damit, sa araw na lunes at byernes. Pero bago dyan ay pinapaligoan ko muna siya at pinapakain at pagkatapos ay pinapatulog.

IMG20211101092700.jpg

IMG20211101083200.jpg

Bandang alas onse ng tanghali ay natapos rin ang aking labahin. Pagkatapos kong mang sampay ay pahinga muna bago maligo para hindi pasmado ang ating katawan.

IMG20211101110909.jpg

Pagkatapos kong maligo ay oras na naman para mayakap at maka bonding ang aking anak. Kahit anong pagod ang aking nadarama dahil sa kulang ng tulog, at pahinga ay kakayanin parin dahil isa akong ina. At ikinagagalak ko na bantayan at alagaan ang aking anak sa lahat ng oras ng aking makakaya at maibigay ang aking pagmamahal sa kanya.

IMG20211021083902.jpg

Inaanyayahan ko si @lealtafaith @bisayakalog @jes88 para magbahagi ng kanilang talambuhay sa araw na ito.

Sort:  
 3 years ago 

Hindi po madali maging mommie, pero its fulfilling investing on love, watching them grow mam is so wonderful, keep safe po,

 3 years ago 

Salamat Po ma'am. Kayo rin po

 3 years ago 

lami jud ang feeling if nana tay anak mam

 3 years ago 

Tinuod jud ma'am.

 3 years ago 

Wala talagang imposible kay Lord. At ang cute po ng baby niyo!

Salamat po sa pagbahagi ng inyong araw dito. 😊

 3 years ago 

Salamat po. God bless you!❤️

 3 years ago 

I am so proud of you!❤️

 3 years ago 

Salamat 😘😘😘

 3 years ago 

thank you sa pag imbita at baby eva is a cute angel and a blessing 😇

 3 years ago 

Walay sapayan ☺️

 3 years ago 

beautiful mom, laban lang😊

 3 years ago 

Yes master. Salamat ❤️

 3 years ago 

Congratutions sis! God can do all things talaga. Pretty baby po ang anak ninyo . Im sure minanahal nya kayo kahit sya ay musnos pa lamang

 3 years ago 

Salamat po sis. God bless you po❤️

 3 years ago 

Congratulations @goergie84,
This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue making quality posts here at Steemit Philippines Community. Remember to always follow the #club5050 rule for more chances of curators' support.

 3 years ago 

Maraming salamat po.

 3 years ago 

Hello baby! You are blessed to have a great Mom! :)

 3 years ago 

Salamat po. God bless!❤️

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.028
BTC 65275.00
ETH 3569.29
USDT 1.00
SBD 2.47