Diary Game: Masarap na tanghalian sa Jollibee kung saan bida ang saya. | 10% upvote goes @steemitphcurator goes to @steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang hapon sa ating lahat. Nais ko lang ibahagi sa inyo ngayon ang aking pananghalia. Kung saan ako lang mag-isa kung baga ito ay me time para sa akin.

Polish_20210923_132833237.jpg

Bawat isa sa atin ay kailangan din ng oras kung saan tayo lang mag isa para maka pag isip din at maka pag relax. Lalong lalo na sa kagaya ko na isang bagohang ina. Minsanan lang po ito mangyari dahil hindi naman natin pwedeng abusuhin ang kabaitan ng ating pamilya na siyang nag aalaga sa aking anak sa tuwing ako ay may lalakarin.

IMG20210923112116.jpg

Sa pananghalian ko po pala ay pumunta ako sa pinaka malapit na Jollibee fast food. Itong restaurant na ito ay binansagang bida ang saya kung saan mapa bata man o matanda ay gustong-gusto ito. Isa ito sa pinaka masayang ganap nuing ako ay bata pa kapag maka kain ako ng paborito kong spaghetti at fried chicken. Ito talaga ang pinaka gusto ko sa lahat.

IMG20210923103616.jpg

Naka desisyon akong kumain duon kasi merin na silang upuan at lamesa sa labas kung saan pwede na maka dine-in. Sa totoo lang ay takot na talaga akong kumain sa lugar na naka air conditioner. Nakakatakot kaya ang magka covid.

Matapos kong mag order ay kumuha ako ng lugar sa labas, at dito ako naka upo kasi medyo naka tago pero may hangin parin at di masyadong mainit.

Polish_20210923_133044448.jpg

Nang makuha ko na ang aking pagkain at naka pagdasal na rin ay nag selfie muna ako para mapabahagi sa inyo.

IMG20210923103731.jpg

Inubos ko muna ang aking spaghetti bago and fried chicken para manamnam ko talaga ang sarap ng bawat pagkain. Talaga namang napaka sarap at mainit pa.

IMG20210923104039.jpg

Kasunod nito ay ang pinaka malutong na spicy fried chicken. Talaga namang nakaka wala ng pagod lalo na hindi ako makakatulog ng deretsahang apat na oras gabi-gabi dahil sa pagba bantay sa anak.

IMG20210923104512.jpg

Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang lamesa at inabot sa gwardiya ang tray na ginamit ko para din naman makaka tulong ng kaunti sa mga trabahante duon.

Ay ito po pala ang nagastos ko kasama na ang inumin na coke. Less than 3 USD po at busog na. 😊

IMG20210923104815.jpg

At ito po ang kaganapan ngayong araw. Salamat sa lahat

Sort:  
 3 years ago 

sana all jollibee

 3 years ago 

😂

 3 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

 3 years ago 

Thank you

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.25
JST 0.037
BTC 97184.44
ETH 3434.21
USDT 1.00
SBD 3.07