Diary Game 01|06|2023 My first time experience ng Jollibee sa ibang bansa

in Steemit Philippines2 years ago

signal-2022-12-26-16-37-31-545-4.jpg

Una sa lahat Hi muna dyan sa mga mahilig kumain ng Jollibee sa Pilipinas. Sino ba naman ang hindi nakaka kilala kay Jollibee sa ating bansa. Kahit bata man o matanda ay gustong gusto talaga ang mga pagkain dito. Kaya naman ng ako ay mapadpad sa lugar na kung saan ay may tindahan ng Jollibee, ay aba, napa punta talaga ako kasama ang aking asawa na si @steemitcebu, aming cutee na baby, at ang matalik kong kaibigan na si @traderpaw.

Binisita namin si @traderpaw sa kanyang inuopahan na bahay at magkasamang ini enjoy ang masarap na pagkain na aming pinaka miss sa lahat ng Pinoy foods.

Pero bago muna kami umalis ay binigyan nya muna kami ng napaka gandang regalo. Relo ang sa akin, hikaw sa anak ko at sweatshirt naman sa asawa ko. Di ko man ini expect pero talaga namang napaka mapagbigay niya sa lahat lalo na sa kanyang pamilya.

Polish_20230105_201651387.jpg

Pagkatapos naming makipag kwentohan sa mga kasamahan nya sa bahay ay tumungo na kami sa lugar kung saan matitikamn na namin ang pinaka asam-asam ko na crispy fried chicken at spaghetti. Bali isang oras naming byinahi ang lugar to. Malayo man pero sulit naman.

signal-2022-12-26-11-17-55-097.jpg

Talaga naman ay hindi pwedeng di maka pag picture sa lygar na ito, hahaha... pinoy talaga at kahit na sino man pag excited man lang. Lahat kami ay excited nang pumasok sa tindahan para maka pag order at maka kain. Sulit na sulit talaga ang byahe sa sobrang sarap. Na ramdaman ko tuloy na ma miss ang buhay sa Pinas. Mabuti nalang at may mga tao at bagay dito na nagpapa ramdam na malayo man ay malapit din ako sa pamilya ko at mga kaibigan.

20221226_110718.jpg

Ang presyo po dito ay dolyarkaya di pwede mag convert dahil mapa nganga ka lang sa mahal ng babayaran hahaha. Bahala nalang dahil minsanan lang po ito. Pinaghati hatian namin ang aming order na 6 pieces chicken joy in a bucket na sobrang lutong, isang serving ng Spaghetti na napaka sarap, at tig iisang burger. Syempre may rice din na paborito ng aking anak. Di po maluho ang batang ito, kumakain ng rice kahit walang ulam, gusto po nya mga pagkain natin dyan kaya ako nagluluto paminsan minsan dito.
Pagkatapos kumain ay nagpunta kami sa aquarium. Ang gandang tignan ng mga isda dun na may ibat-ibang kulay. Lahat ng klase ng sea life ay nan duon. Napaka gandang lugar na kahit sino na magpunta duon ay ma e-enjoy talaga lalong lalo na ako, ang sarap lutuin nila. Na miss ko kayang kumain ng isda.

Polish_20230105_204853757.jpg

Isang napaka gandang araw ito para sa akin lalong lalo na sa panahon ng kapaskuhan. Magkita kita po tayong muli.

Ini imbitahan ko pala si @sweetspicy @jes88 @traderpaw na magbahagi ng kanilang araw. Salamat ng marami!

7kq2TLHKEHhBfZRYbJvEXxXoqL3FWypb9y9syj5ndRnDJMd86aBTVTbR86tJ2YoA3HgEmJ7SK8XeAzeCKW7PKqPbnaQgdLZ8wErVZn968b...87v5zfcPSgdG2k1iNcvTMrLwovaFG8BuRAYnb3eUM2g3wuYkmi5PAuv7DZZwNWwA7jSWJwK7Q238CFpTSH8MyywiyCMGx5mj6CavkeYR2kktTaxnznWvGoHy18.png

Sort:  
 2 years ago 

I also tried jollibee outside Philippines, and it was in Jeddah, Saudi Arabia.

 2 years ago 

Oh that's nice! It's so pinoy ang feeling jud sir

 2 years ago (edited)

Oy hala wow, nagkita jud mo diha ba😊

Thank you for contributing content here at Steemit Philipinnes Community.

Date verified: January 06, 2023
StatusRemark
Verified user
At least #club5050
Plagiarism free
#steemexclusive
Not using bot
At least 300 words
#burnsteem25

Keep creating quality content to have a greater chance of getting support from the curators.

 2 years ago 
Congratulations!

This post has been recommended for booming support today.
Continue creating quality content here at Steemit Philippines Community.

Maraming salamat po.🙂

@fabio2614
Visayas Mod

 2 years ago 

Thank you po ☺️

 2 years ago 

Wow. Sana all talaga. Kami kumakain lang sa labas. Labas nang bahay. haha.

 2 years ago 

Try din po paminsan minsan kasama family nyo o mag isa lang. Maganda din po yon may bonding time or "me" time. Kahit kapos, masubukan man lang 😄

 2 years ago 

Haha. Joke lang po yon. Pero salamat po for reminding me to have a quality time with my family. Gusto ko once a week magawa namin yon kahit hindi sa mga fast food oh restaurant. 😊

 2 years ago 

Keep on steeming po

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 65375.87
ETH 3337.31
USDT 1.00
SBD 2.63