You are viewing a single comment's thread from:

RE: Ang Pagpapakilala Ng Steemit Philippines 🇵🇭 Community

in Steemit Philippines3 years ago

Ito na ang pinakahihintay kong sandali na magkakaisa muli ang mga kapwa ko Pilipino. Nung ako'y panandaliang nanungkulan nung nakaraang Steemit The Diary Game Season 1 and Season 2, Ako'y nagprisinta na pamunuan ang pag hagilap sa mga kababayan kong gustong ibahagi ang kanilang mga salaysayin sa pamamagitan ng platapormang ito. Ngunit ako pa din ay bigo sa kadahilanang iilan lamang kaming consistent sa pagbabahagi.

Ako'y nagagalak at ito'y ipagpapatuloy ni @loloy2020 at bubuo sa pangkat ng Pilipinas sa pamamagitan ng @steemitphcurator.

Nawa'y tayo ay magtagumpay sa larangan ng pamamahagi at ang konseptong ito ay maibahagi pa sa mga kapwa nating Pilipino.

Kayo ay makakaasa na bibigyan ko ito ng sapat na panahon para tayo ay umunlad kagaya ng mga naging ispirasyon natin sa larangan ng pamamahagi ng kaalaman at husay sa pagpo-proseso ng bagong teknolohiya.

Ito po ang inyong lingkod, @fycee.

Sort:  
 3 years ago 

Omg. Tumibok puso ko dito beb. ❤

 3 years ago 

Ako talaga ay natutuwa at mayroon ng mag aasikaso nito. Ako din naman ay hindi consistent kasi dahil nga wala na akong panahon. Kinain na ang oras ko ng pagttrabaho.

 3 years ago 

Maraming Salamat po sa suporta. Kaya po natin ito sa tulong nang bawat isa at sa tulong nang Dios. God Bless 😇

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63466.72
ETH 2683.95
USDT 1.00
SBD 2.80