HUWAG MAGHANAP NG TAGUMPAY KUNG NANGANGAHULUGAN ITO NG PAGKOMPROMISO SA IYONG MORAL
Madaming successful na tao at minsan ang tendency ay nagiging proud dahil pakiramdam nila na successful sila dahil magaling sila at lahat ng na-achieve nila ay dahil sa galing, sipag, at tiyaga nila.
Ang nakakatakot sa success, lalo sa financial success ay ang tendency ng isang tao ay ang maging “god” ng buhay niya ay pera. At dahil dito lahat ng gagawin niya ay para patuloy na maging financially successful siya kahit na mali ang paraan. At kung patuloy niyang gagawin ito, yung mali na ginagawa niya ay magiging tama na sa pananaw niya dahil gumagawa siya ng maraming rason para sa sarili niya para mabigyang-katwiran niya sa sarili niya na wala siyang maling ginagawa.
Sana matutunan natin ngayong araw na hindi dapat natin priority maging successful sa mundong ito, lalo na kung kina-kailangan natin gumawa ng mali. Dahil panandalian lang ang oras natin sa mundong ito. At tandaan natin na ang mga hinahabol natin sa mundong ito, tulad ng gold and ibang precious stones and minerals (representation ito ng madaming pera) ay balang araw materyal lang ng kalsada sa langit. Wala ng “mahal” na bagay sa langit dahil wala ng “rare” na gamit doon. Lahat sagana na doon dahil infinite at unlimited ang resources doon. Kaya sa totoo lang, napaka-foolish natin kung sisirain natin ang buhay natin para habulin ang makamundong mga bagay.
Magpakumbaba ngayon. Huwag maging matalino sa iyong sariling mga mata. Huwag maghanap ng tagumpay kung nangangahulugan ito ng pagkompromiso sa iyong moral. Matakot sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapakita sa Kanya ng iyong pagmamahal at pangako sa Kanya sa paggawa ng Kanyang iniuutos sa Kanyang Salita. Dahil ang realidad, kahit gaano kalaki ang tagumpay o pera mo, akala mo masaya ka pero sa totoo lang, hinding-hindi ka magkakaroon ng kapayapaan at kagalakan maliban sa pagkakaroon ni Hesus sa iyong buhay bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas.
Photos are mine and taken by me using my A10s
Tuno-tuno Diay Dalan 2023
@ Urdaneta City, Philippines
Thank you for stopping by:-)
May God our Father and the Lord Jesus Christ give you grace and peace.
God bless us all :-)