Mactan National High School Teachers, Received A Brand New X20 Tablet From DepED Philippines

in Steemit Philippines2 years ago

20221019_151449.jpg

received X20 tablet from DepED

Magandang araw po mga ka steemians!

Ang bilis po ng takbo ng araw, pati excitement ko sa pasko ay bumibilis na din. Kita nyo ang ganda ng ngiti ng mga teacher advisers sa araw na ito. May maagang pamasko kasi ang DepEd para sa amin. Sa hindi inaasahan nakatanggap po kami ng napakabagong 10.1 inch X20 Tablet.

20221019_151718.jpg

Pagkatapos ng klase ko sa umaga, upo agad ako sa table para sa paper works. Hindi na po uso ang mag chill kasi next week na ang First Periodicals ng mga bata at dapat naka ready na rin yung class record ko para naman sa schedule ng markahan.

Nabigla na lang ako ng biglang sumulpot ang kasamahan kong abot tenga ang ngiti. Yong ngiting parang nanalo e wala namang sinalihang patimpalak.

"Tara na, tinatawag na tayo sa computer lab!" napaka excited niyang sabi sa akin.

"Ha, anong meron?", pagtataka kong sabi.

Siya naman itong nabigla sa reaksyon ko. Parang ako na lang yata ang walang alam na may pa surpresa sa amin sa baba.

Kaya ng malaman kong may e pamimigay na tablet, syempre na late na yong excitement ko... kaya tinudo ko na yong pagka shocks kung nakakatawa. So ako na tong pakaladkad na nagyaya sa kanya ng isang with feelings na " tara na!"😁

20221019_151659.jpg

Ayan o, tinatawag pangalan namin by alphabet. Kaya nakatambay akong parang isang bata naghihintay na hindi matapos tapos ang ngiti.

Mga names namin naka ready na para sa pepermahan naming papel, bali resibo na nakatanggap talaga kami. Wala na mang naka saad doon na babayaran kung masira o mawala. Pero syempre iingatan talaga namin ito.

20221019_151727.jpg

Salamat po DepEd Philippines! First time po naming mga teachers na nakatanggap ng medyo may presyo.
Yong dating schools supplies like ballpen, manila papers at bond paper biglang nag level up. Kaya level up din ang tuwa namin.

Laking tulong po ito sa amin lalo na ang mga bata ngayon mas attentive kung si teacher naka powerpoint. Ng dahil sa tablet na ito, isang order lang ng hdmi adapter online at solve na tayo dito. Gagaan pa ang bitbit ni teacher dahil maiiwan na ang laptop sa bahay. Ayos!

Ang saya po ng kwento ko ngayong araw, share din kayo ng masasayang kwento 'nyo para marami na tayo.😊

Cheers,
@fabio2614

Sort:  
 2 years ago 

Wow congrats sa tablet!

 2 years ago 

Hello, this post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.

Congratulations!

Mindanao Moderator
@long888

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 57171.31
ETH 3134.47
USDT 1.00
SBD 2.26