[Club75]👉The Diary Game | Moving Up Ceremony Class 2022

in Steemit Philippines2 years ago

20220701_072139.jpg

Greetings po sa lahat ! Nananalig po tayong tuloy pa rin ang buhay kahit ramdam na ramdam na talaga ang taas ng presyo ng mga bilihin ngayon. Kasabay sa pagmahal ng gasolina, wala man lang oras na inaksaya at lumampas leeg na rin ang presyo ng halos lahat. Pero kahit ganito na nga ang sitwasyon meron tayo, marami pa rin tayong dapat ipagbunyi sa buhay na hiram sa atin ng Dios.

Napakahalaga pong sensitibo tayo sa mga positibong bagay baka kasi malunod tayo sa dami ng negatibong bigla bigla na lang magsisulputan.

Balik tanaw po tayo sa araw ng Moving Up ceremony ng mga bata. Talagang throwback na ito at two weeks na rin ang lumipas. Pero kasi sa tuwing minamasdan ko ang larawang kuha sa araw na iyon, preskong presko ang saya na nararamdaman ng bawat isa. Lalo na sa part ng mga magulang na sa wakas after 2 years nakapaso rin kasama ang mga anak nila.

Makikita mo talaga sa get up nila kung paano pinaghandaan ang araw na ito. Yong ibang nanay, dinaig pa ang anak sa preparation... at nag pa rebond pa talaga. O ha, hindi pa ba masaya yon? Sobrang excited nila di ba. Tapos ang iba pa nito mayhandaan pa sa bahay. Yong wala naman, I am sure may ibang way rin sila sa pagcelebrate kahit di man bongga pero ang saya ng pamilya ay hindi mapagkakaila.

20220701_111704.jpg

Ayan, another batch na naman ang nagsipagtapos sa Junior Highschool sa taong ito. Mga kabataang puno puno ng pag asa at pangarap sa hinaharap. Wala mang may alam sa anong meron sa unahan, tuloy pa rin ang pangarap na sana makakamit din ang mga minimithi nila sa buhay.

FB_IMG_1657081449442.jpg

At seyempre, kaming mga advisers ay nagbubunyi rin. Ang sarap kaya sa pakiramdam na makikitang buhay na buhay ang loob nila. Nananalig din kami na sana magiging successful ang journey nila sa Senior High School. Sa isang taon na pinagsamahan namin ng mga batang ito, hindi man buo ang pagkikita namin ay ramdam na ramdam parin ang pagiging close namin sa isat isat. Yong kahit oras na na upang matulog humahabol pa ng chat. Yong group chat namin na sobrang ingay. Kahit may sagot kana ay uulitin parin dahil yong iba sadyang hindi uso ang magback read . Kaya ubusan ng oras sa pagpapaliwanag, e same topic lang naman. Nakaka miss rin pala ganon.

20220701_160428.jpg

At ng matapos ang ceremony sa araw na iyon, yong mga close friends ko , celebrate din kami. Nag halo-halo kami sa may Coolers. Nagpapalamig , hindi lang dahil sa init ng tagumpay kundi literal din ang sobrang init ng panahon.

Ayan yong mga ngiti namin. Ngiti ng tagumpay! Hanggang sa susunod. Maraming salamat sa pagbisita ng post ko.

Sort:  

Hello @fabio2614, your post has been supported using steemcurator09 account.

 2 years ago 

Ngiti ng matagumpay jud miga.

 2 years ago 

hahaha, lami ang halo-halo miga ba😁

 2 years ago 

Woah!!!. Congratulations 🥰🎉 to them!🥰

 2 years ago 

ka pretty ba ani oi

 2 years ago 

naai pinalabi ang cam miga😁

 2 years ago 

I know grabe ang inyung efforts sad mga teachers for this to be successful, nice tan awon ang stage ma'am!

 2 years ago 

Updated sa uso ang mga batan-on nga Mapeh teachers ana sis ba... d pud pa uwahi😊

 2 years ago 

Tinuod jud na maam ba na malipay jud mo na makamao daun mo na successful inyu mga students. Kay katong nagattend kog wedding maam, astang lipaya samo mga college professors kay kita saamo. Game gud kaau sila na magselfie2 saamo. makahappy pod na nadomdoman mi despite sa daghan kaau na student ang nahandolan bitaw.

 2 years ago 

makalipay jud sis, samot nag ug mo amin sa teacher if magkatagbo somewhere with matching tsika sa ilang ganap... bisan pila na ka tuig ang nilabay ba....😊

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 60771.43
ETH 3271.80
USDT 1.00
SBD 2.44