THE DIARY GAME SEASON 3||07-19-2022||PAG-IIKOT SA TANAMAN||#Burnsteem25

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Mapagpalang araw po sa'ting lahat Steemians dito sa loob at labas ng bansa. Nawa po ang araw na ito ay puno ng pagmamahal at biyaya ng Dios sa'ting lahat.

IMG_20220711_155352.jpg

Sa araw na ito, maaga akong nag ikot sa harden o tanaman namin ng mga iba't-ibang klaseng gulay. Kamakailan lang kami nagtanim, ngayon excited na kami sa darating na mga araw, na pwedi na namin itong mapitasan at malutong pang-ulam.

Madalas sa bawat tahanan, pagpasok mo pa lang makikita mo na ang iba't-ibang klaseng magagandang halamang bulaklak na nasa harap o tapat ng bahay, ngunit kakaiba dito saamin, hindi po bulaklak ang makikita sa harap ng bahay namin kundi'y puro pananim na gulay.

Kamakailan lang ay nakapag post ako ng aming itinanim na Pechay at nag eejnoy po kami sa pagharvest nito. Ngayon ay di na ito pweding gulayin dahil sa katandaan nito at nag poproduce na ito ng anyang similya.

Meron kaming string beans na pweding panghalo sa pinakbet. Malapit na itong e harvest kaya antay-antay lang ng mga ilang araw.

Meron rin kaming ampalaya, isa sa mga paboreto kong gulay lalo na't ginisang may halong itlog o kaya'y ginigrilled tapos haloan ng suka at kamatis. Medjo may kalakihan na ang mga ito kaya't binalot namin ng cellophane kasi pag babalotin papel ay masyadong maulan at hindi maganda ang panahon, malalata at mahuhulog lang papel na ibabalot nito kong kaya ay cellophane na lang ang aming ginamit pambalot.

Mero din kaming cucumber, may mga maliliit na bunga na ito at yong iba flowers pa lang.

Spinache meron din kami, tsaka malunggay. Mayroong ding tomato, luya, sili at sibuyas dahon.

Okra, malapit na ring ma harvest at papaya.

Marami pa kaming naitanim na mga green leafy vegetables. Masaya akong nag ikot at nakitang mga malalaki na ang mga ito.

IMG_20220719_085511.jpg

Masaya akong makita na ilang araw na lang sa pagtatyagang paghihintay, ay mapapakinabangan na namin ang aming mga itinanim. May kasabihan nga na kapag may itinanim, may aanihin. 😊 Tiyaga lang po tayo sa pagtatanim, tiyak di po tayo gugutumin.

Binabati ko ulit ang lahat ng Steemians dito ng isang maligaya at mapagpalang araw po sa'ting lahat.

25% beneficiary goes to @null

Sort:  
 2 years ago 

kadaghan sa mga tanom pastora uy.. basta naay itanom naa jiuy anihon.. God bless sa inyung garden!

 2 years ago 
StatusRemark
Club status#club100
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Word Count362 words
Plagiarism Free
Delegator

Hey yah! Just swinging by to let you know your content has been included for the top 3 articles for booming support! Check the details here: Steemit Philippines Community: Weekly Report by @Junebride as Moderator | 07-20-2022

Luzon Mod,
@junebride

 2 years ago 

Thank you so much ma'am @junebride 😇

 2 years ago 

Wow! Kadaghan pastora ui. Di jud magutman ana ba. Very nutritious pajud.

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 71082.84
ETH 3864.32
USDT 1.00
SBD 3.52