#BURNSTEEM25|| THE DIARY GAME 08-30-2022 || "LBFGMAG FIRST TEAM BUILDING"
Hello dear Steemians! Isang mapagpalang araw po sa lahat.
Sa araw na ito ay ibabahagi ko sainyo ang mga kaganapan saaming Team Building.
Simula ng naging isang Youth Leader ako sa LBFGMAG nalaman kong hindi pa pala nangyari sa mga youth na hina-handle namin dito ang tinatawag na team building kaya kami nina Pastor Romel at Sir Dan ay nagplano na gagawin ang event na ito after sa church anniversary namin.
Ito na nga't nangyari na. Maaga kami na mga youth leader na pumunta sa area kong saan gaganapin ang team building.
Pagkarating ng mga youth hindi namin agad sila pinapasok sa Hayahay Maputi Beach sa Naawan Mis. Or. Nasa gilid kami ng kalsada at doon sinimulan ang lahat sa opening song and prayer, sinundan ng orientation kong ano ang dapat na gagawin.
Bago namin sila ipapasok sa area, pinabunot muna namin sila at kong ano ang kulay na nabunot nila, mayroong uri ng hayop ang mga nakasulat. Matapos silang nakapag picked, pinag blind fold namin sila, tapos habang nka takip ang mga mata kinakailangang mahanap nila ang kanilang mga ka team work using the sound kong anong hayop ang nabunot nila. Sa wakas ay nabuo sila bilang tatlong team. Tapos nakatakip parin habang pinapapapunta sa area. Kinakailangang sundin lang nila ang boses naming mga leader upang hindi sila mahiwalay sa kanilang ka grupo at hindi sila madapa. Nakakatawa lang dahil akala nila cave yung mga dinaanan nila dahil kong saan-saan namin sila pinapadaan at pinapagapang.
Nang matapos ang pagtaggal sa mga takip ng kanilang mga mata, namangha ang lahat dahil nasa area ng beach na sila at nagtatanong kong saan sila nagsidaanan. Sinundan kaagad namin sa pagtatali ang kani-kanilang kamay upang gawin ang pangalawang hakbang na laro. Ito ay tinatawag na Treasure Hunting. Naglagay ako ng mga words sa candy iyon ay mga Bible Verses na kailangan nilang e puzzle. Syempre dahil treasure hunting yon, nilibing namin ang mga candies na may words at nilagyan namin ng flaglets upang madali nilang matunton kong saan nakabaon ang mga iyon.
Pagkatapos ng treasure hunting ay ang larong Amazing Race na naman. Pinagapang namin ang bawat team sa ilalim ng lubid at paunahan ito.
Sinundan ng larong pinoy na tinatawag na sackrace. Ito ang pinaka nakakatawa sa lahat ng games dahil habang nag sackracing ang mga team, pinaghahabol naman sila ni Sakura, isang aso kong kaya ay ang bawat nag rerace ay subra nilang binilisan upang hindi na maabotan ng kontra kundi ay upang hindi maabotan ng aso.
Kasunod ng sackrace ay ang balloon race. Nakalagay ito sa back ng ka team work at tyan ng kanilang kasama. Sa racing na iyon dapat hindi hinahawakan ang balloon kundi ay nasa tyan lang ito na nakadikit sa likod ng kanilang kasama tapos naglakad ng mahinhin upang hindi mahulog ang balloon hanggang pakabalik sa pwesto.
Sumunod ang tinatawag na catching the egg, bawat team kinakailangang ma catch ang hinahagis na itlog. Tapos sinundan ng entangled line at harina challenge na ang bawat manglalaro pag hindi makasagot sa tanong ay isusubsob ang mukha sa harina . Nagpa puzzle din kami ng 66 books in a Bible. Kinakailangang mabuo ng team ang nasasabing laro.
Batid sa kanilang mga mukha ang labis na kasiyahan at pasasalamat dahil first time nilang na experience ang mga iyon. Sabay po kaming nananghalian na may tuwa at saya.
25% beneficiary goes to @null
Evaluation Date: August 30-2022
ang galing naman pastora! for sure masaya ang mga young people jan
Wow!!..Glory to God ate 🥰
Praise the Lord!
Sigurado tuwang tuwa ang mga youth nitong team building. At the same time nakapagbuild ng team work sa bawat teams! Congrats sa successful event ninyo sis.