ANG MALABANGUNGOT NA NAKARAAN
Magandang araw sa lahat ng Steemians!
Ibabahagi ko sainyo ngayon ang malabangungot kong karanasan at kung paano ko ito nalagpasan.
Hindi ako galing sa may kayang pamilya kaya at the age of thirteen, sumubok na akong makipagsapalaran. Napagdesisyonan ko na hindi muna mag hahigh school at tutulong muna saaking pamilya. Labag man sa kalooban nila dahil imbis na ako yong babae, ako pa yong aalis sa bahay at magtatrabaho. Tiniis ang taon na hindi ko kasama ang aking pamilya.
Nakalipat ako ng trabaho and I am so blessed dahil ang naging Amo ko na tinatawag kong ate at kuya ay may takot sa Dios katulad ko, they are born again Christian. Nasa kanila na ako for four years kaya napag desisyonan ko na mag woworking at pumayag naman sila. At the age of seventeen saka pa ako nakapagtungtong ng high school. Yong sahod ko nahahati na imbis na para sa pamilya ko lang, nahati na sa pag-aaral ko.
Pagka second year high school ko napag desisyonan ng ate at kuya na lumipat mona sa lugar kong saan doon nakatira ang parents ni kuya. Makapag double ride kapa tsaka ka makaabot sa bahay ng kanyang parents. I called them Mamala, and Papalo. Sobra at labis ang pagmamahal nila sakin kaya gusto nilang ilipat ang apilido ko sa apilido nila, di naman ako pumayag.😆
Nagdaan ang mga ilang buwan na doon kami pansamantalang nakatira sa parents ni kuya, doon na nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko.
Si ate ay isang QA o mas kinilalang call center agent at si kuya ay isang technician, si Mamala ay isang dean nang isang kolehiyo at pribadong paaralan, ganon din si Papalo ngunit retired na sya kaya sa bahay sya lang ang laging naiiwan ng kaisa-isang baby ni ate at kuya habang ako ay nag-aaral. Pagka punta ko sa paaralan, ako na yong gumagawa lahat sa gawaing bahay hanggang sa pag-aasikaso ng baby bago ko iiwan kay Papalo. Ganyan lang yong gawain ko sa pagpunta at pag-uwi galing paaralan. Umaalis kasi si ate at kuya sa bahay ng alas kwarto ng umaga at umuwi ng alas dyes sa gabi.
Pansin ko na sa ilang mga buwan, nag iba na ang kilos ni Papalo, subrang na weweirdohan na ako sakanya dahil pagka uwi ko galing school nagmamano ako sakanya tapos biglaang niyayakap nya ako at hinalikan sa pisngi. Ramdam kong hindi na maganda yon kaya nag doble ingat ako. Si Papalo ay lalong lumala, akala ko hanggang ganon lang peru may mas ikakatakot pa pala ako. Sa umaga habang naliligo ako sa banyo nandoon din sya sa harap ng pinto nagbabantay kaya kapag naliligo ako sa banyo pinapatay ko yong ilaw kahit madilim kinakaya ko, wag lang akong masilip. Pagka labas ko ng banyo bigla s'yang lumapit kaya dali2x akong tumakbo sa kusina at kumuha ng kutsilyo, sabi nya aanhin ko, sabi ko naman e ka cut ko nang sabon, pero takot na takot na ako noon kaya simula noon, hindi ko na hinihiwalay ang kutsilyo sakin.
Hindi ako nakakatulog sa gabi dahil magdamag akong nakabantay dahil sa bandang alas dose o one o clock, bigla nalang s'yang papasok sa kwarto at hinihila ang kumot ko. Ako yong tipong tao na pag natutulog, patay lahat ang ilaw sa kwarto. Sa gabing iyon hinayhinay kong kinuha ang kutsilyo upang may panlaban ako. Salamat sa Dios dahil sa pagpasok nya sa kwarto, sumunod pala sakanya ang pusa kaya noong humihila na sya sa kumot ko, nag iingay ang pusa kaya gumalaw ako at dali2x s'yang tumakbo papalabas. Nag a-act ako na parang walang alam kaya pinatulog ko sa aking tyan ang pusa. Simula ng mga gabing iyon, sa sala na ako natutulog sa may upuan dahil kapag may gagawin sya, maririnig ako ng lahat pag sisigaw ako.
Doon nagsimula ang truma ko. Takot na akong matulog kaya lagi akong puyat. Iniintindi ako ng teacher ko kapagka makatulog ako sa classroom, sinasabi nyang ganyan talaga pag working, subrang nakakapagod kaya naintindihan nya ako. Lingid sakanilang kaalaman na subrang horror yong nararanasan ko sa hapon at magdamag.
Lagi akong nagdadasal na hindi ako pababayaan ng Dios.
Dumating ang vacation, walang pasokan kaya doon na ako mas lalong kinabahan, dahil kaming dalawa at ang baby lang ang laging naiiwan sa bahay. Isang araw habang natutulog si baby tinatanong nya ako kong may boyfriend ba ako, sabi ko naman wala, at never pa akong nagkakaboyfriend. Natakot na ako sa tanong nya, kaya umiiwas ako papalayo pero bigla nya akong hinila sabay sabing napaka inosente ko daw at gusto nya akong manuod ng scandal kasama sya. Doon ko na sya pinatulan, nakawala ako sa kanya at kinuha ko yong kutsilyo, sabi ko sakanya na isa sila sa tinitingalang mga mababait na Christian pero napaka demonyo pala nya. Para hindi sya makagawa ng move binuhat ko si baby na natutulog. Di sya makalapit sakin dahil hawak ko ang kutsilyo at ang kanyang apo. Simula noon sa labas ng bahay na ako tumatambay kasama ang baby.
Pagkarating ng ate, kuya at Mamala sa gabi, pinagsusumbong nya ako, sinasabi nyang wala nadaw akong galang sakanya, di nadaw ako nagmamano at lagi raw akong nagtataray. Pinagsabihan ako ni ate at kuya kaya tiniis ko iyon. Kinabukasan kinausap ako ni ate dahil hindi ko na sila kinakausap lahat. Nag one on one kami ni ate at doon ko sinabi sakanya lahat. Oo, sa una hindi sya makapaniwala at nilabas na hindi tutuo ang sinabi ko. Wala akong magawa kundi'y ang umiyak.
Natapos na ang vacation at pasukan na naman. Lagi akong tulala sa school hanggang sa isang araw nilapitan ako ng isang Studyante na kapitbahay nila Papalo na may kalayuan kunti ang kanilang bahay. Tinanong nya ako kong bakit ako tulala lagi, sinagot ko sya na pagod lang ako ngunit pagtingin ko sakanya ay dumaloy ang kanyang mga luha sabay sabing...."si Papalo ba"? Hindi ako nakasagot at pinunasan ko ang luha nya. Hindi ko alam na ang dalagang iyon ay may malasakit saakin. Alam nya na nagkakagulo na kami kaya pagka uwi namin galing sa school, na bigla ako na maagang umuwi si kuya at ate at nandoon din ang dalagang iyon. Bigla akong nilapitan ni kuya at ate at niyakap sabay sabing iaalis kana namin dito, lilipat na tayo. Ang dalagang iyon pala ang witness ng lahat ng sinapit ko kaya sya na mismo ang humarap sa mga amo ko.
Lumipat kami nila ate at kuya sabay pag lipat ko ng paaralan. Galit na galit si Mamala sakin ngunit kalaban nila lahat. Maraming nag witness pala sakin sa mga pinaggagagawa ng Papalo. Hindi nila matanggap ang kahihiyan kaya galit na galit si Mamala saakin. Nagdasal ako na sana patawarin sila ng Dios dahil kahit di sila humingi ng kapatawaran ay pinatawad ko na sila.
Consequence happen to Papalo, nagkaroon sya ng cancer kaya hiningi ko sa Dios na bigyan pa sya ng pangalawang pagkakataon. Dininig ng Dios ang mga panalangin at gumaling sya kahit machine nalang yung ginagamit upang makapag salita sya, at least gumaling sya.
'Yon ang pinaka bangugot na naranasan ko eight years ago na kahit sa panaginip ko bumabalik na nagdulot ng matinding trauma/phoebia saakin at dumating sa stage na ayaw ko ng mga lalaki, naging masama ang pagtingin ko sakanila, kahit mga kaklase kong mga lalaki, di ako nakipagkaibigan sakanila subalit nakita ko sa mga kapatid kong mga lalaki ang magandang kaugalian kaya nahimasmasan ako at doon ko naisip na hindi pala lahat. Salamat sa Panginoon at na overcome ko iyon dahil sakanyang tulong. Dasal ang s'yang lagi kong ginagawa upang labanan ang trauma na iyon. I always put up in my mind that I am an overcomer and God renewed my mind the I think.
Glory and Honor belongs to God alone!
20% goes to @steemitphcurator
I invite @emma @quilvz @danyap to share your dangerous experience here.
Karon pako kabalo ani nga Story nimo Pastora ba and I thank God nga na overcome na nmo, sa grabe nga trauma na imong nabati but God is so good sa imong life, and look at you now...a woman of courage and who always trust God from whatever trials na gi abot sa imong life. I'm so bless on how you handle this dangerous and unforgettable experience. God Bless you!
Karon ra ko nagka courage to share this story Pastor. Salamat sa Dios saiyang guidance. Terrible experience turn to a great testimony.
Ptra kuyaw jud na nga kasinatian.abe nko og sa mga salida rana.pero ikaw nka encounter jud ka og inana bah.pero salamat sa Ginoo nga nga wala jud ka pasagdi . Mao di,naa di ka kahadlok sa mga lalaki..pero kung ang imoa pilion nga lalaki nangalagad sa Ginoo og isa pa mahadlokon sa Ginoo,wala kay ikabalaka diba ptr, romel @loloy2020. ?
Kuyaw gyud sya kuya, naglisod Kog overcome ato na time but Praise God He protect me. Yes, di gyud ta pasagdan ni Lord.😇
nakahilak jud ko pastora ani n story... grabe .. di ko kabalo unsay ireact but praise God kay wala jud ka biyae sa Ginoo ug wa jd siya nya mabuhat ang unsa paman na nga mga giplano niya.
Gipanalipdan gyud ko sa Dios that time ma'am na bisan pa everyday to gakahitabo saakoa, wala gyud nagmalamposon ang Buhat sa kaaway.
Your post is recommended for booming support today. Continue creating quality content here at Steemit Philippines Community.
Verification result:
Maraming salamat po.🙂
@fabio2614, mod
Sis thank you for sharing your story. Grabe ang trauma ani. Makakita ko sa mga movies na ingon ani ba, dli sayun. Pero buotan gyud ang Ginoo gipadad an ka tabang pinaagi sa inyong silingan. Salamat sa Diyos ug iya ka gipanalipdan sa dautang mga panghitabo.
Indeed, God is good gyud Sis. 😇
Brave kaayu ka Pastora. Praise God kay nalampasan jud nimu ang tanan. Hadlok kaayu inana ui, makatrauma. Tapos ikaw pajud ang himuong dautan. Maygani naay mitistigo jud. Grabe na kaagi. Grabeng courage nimu ba nga nasulat pajud nimu. Kay sa akoa, dili pa nako japon kaya irelive to nga moment.
Mao ni ang pinaka brave nga nahimo nako ma'am, nga na sulat nako ni nga experience. I kept it bisan saakong family wala ni nako na share😅 and diri nako na experience nga that trauma is totally gone kasi KayA na nako sya e share. Glory to God Kay uban saiyang tabang, totally na overcome jud ang tanan.