PAGBABALIK ESKWELAHAN NG MGA BATA, SANA MATUPAD NA.

in Steemit Philippines3 years ago

Ang anak ko ay nag-aaral na ng daycare ngayong taon. Apat na taong gulang pa lamang siya kaya daycare daw muna. Sa ngayon dahil sa pandemic ay module lamang ang paraan ng pag-aaral. Masaya na mahirap. Hindi lamang sa mga magulang kundi para sa mga anak. Masaya na may natututunan na sila at hindi lang puro laro. Pero malungkot dahil mas matututo pa sana sila kung sa eskwelahan mismo nag-aaral.

Kung wala lang sana ang pandemyang ito ay mas masaya sana ang pag-aaral nila dahil makakahalubilo nila ang kanilang mga classmates. Marami din sana siyang kalaro. Kasi sa bahay kami lang at ang bantay niya, isang anak palang kasi kaya malungkot siya minsan.

Ang larawang yan ay noong pumunta kami sa eskwelahan para maghatid ng activity sheets at kumuha din ng bago. Galing kami niyan sa doctor. General Community Quarantine (GCQ) pa nung araw na yan pero ngayon di na pwede dalhin ang bata dahil Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na kami. Pero parang babalik na yata sa GCQ simula sa September 8, sana nga po.

IMG_20210720_102541.jpg

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 67095.54
ETH 3462.62
USDT 1.00
SBD 2.71