Tula: Mahal Na Birheng Maria

in Steemit Philippines3 years ago

04812353-77FE-47D3-AC15-13DEE1051060.jpeg

Simula bata pa, kilala na kita
Mahal na Birheng Maria
Kasi naman bitbit ako ni Mama
Sa Dawn Rosary sumasama

At sa tuwing Buwan ng Mayo
Araw-araw sa simbahan dumadayo
Upang makinig kina ate at kuya
Sa klase sa Flores de Mayo

Hanggang sa akoy nagbinata
Nag-sakristan sa parokya
Naging katekista pa nga.
Kaya lalo kang nakilala.

Dumating pa ang MHCC sa skwela
Naging brother pansamantala
Sinaulo ang limang misteryo
Para laging handa sa rosaryo.

Kaya lang, nahinto ang pagseserbisyo
Noong akoy nag-aral kasabay ang trabaho
Kahit Linggo naging mailap
Ang pagsisimbay naging mahirap

Pero, ngayong akoy nandito ulit
Sa iyo, sa iyong Anak lumalapit
Hawak ang paniniwala ng mahigpit
Hanggang makamtan ang langit.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 67140.72
ETH 2488.15
USDT 1.00
SBD 2.59