Steemit Philippines Photography Contest Week #5 - Filipino Food Photography: TAHO, Biente Po!steemCreated with Sketch.

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

F5D73401-9F4E-49AC-BE3C-C5365BCEC651.png

Hello, Steemit Philippines!

Isang malikhaing linggo naman para sa ating lahat dahil nagbabalik na naman ang photography contest na mayroong napakagandang paksa - ang "Pagkain". Sino ba naman ang hindi kayang mag sumite ng entry nila para sa napaka-simpleng paksa na ito. Kaya may malaking posibilidad na marami naman ang sasali dito.

Kaya ako ay narito na naman para sumali sa nasabing patimpalak!

Sa araw-araw isang magandang ringtone ang aking palaging naririnig. Sa kabutihang palad, hindi naman sermon ng aming ina ang aming pampagising kundi ang malakas na sigaw na "TAHOOO! TAHOOO!". Masasabi ko na ito ay isang magandang ringtone sa kadahilanang ang aking tengga ay parang biglang aangat, ang aking dila ay gagalaw, at ang aking tiyan ay mangungusap. Kaya ako ay babangon ng mabilisan upang hindi makakalayo si kuya na naglalako nito.

F79734E6-0D20-4647-ADA1-9173F508B321.jpeg

Ang taho ay kadalasang nilalako sa umaga. Kadalasan, ito ang kinakain ng mga bata sa umaga, kasabay ang kanilang mga magulang na nagkakape at pandesal. Pero kahit ako ay hindi na bata, ako ay nakikipagtakbohan upang mahabol si Kuya. Buti nalang talaga at may bumili na kapitbahay at nahabol ko pa si kuya. Masayang-masaya at takam na takam akong bumalik ng bahay upang matikman na ang taho na iinit sa malamig kong tiyan.

D0FAC27C-AF29-4E8D-9431-908F846CCD32.jpeg

Sa araw na ito ay bumili ako ng taho sa halagang 20 pesos. Pinili ko ang pinakamalaking plastik na baso na lalagyan para sa pang-almusal ko. Syempre, di na tayo bata mas malaki na ang kailangan natin upang mabusog. Pero ano ba ang mga sangkap na ginamit upang makagawa ng taho? Ano ba ang makukuha natin dito?

Mga Sangkap ng Taho at ang Benepisyo sa Pagkain Nito

Ang taho ay may mga pangunahing sangkap na Silken Tofu, Syrup, Sago Pearls, at Gatas. Ang pagkain nito ay nagpapaganda sa ating balat at buhok, nagbibigay ng sigla sa katawan at tumutulong upang mapanatilihin ang malusog na pangangatawan at ang wastong timbang. At base sa aking research, ligtas naman ang pagkain ng taho sa araw-araw. Mabuti rin itong gawing pang-almusal sa umaga.

3A827EB0-B81D-4744-B88B-85D4FB256151.jpegPasensya na po sa aking bagong gising na mukha.

Kaya bago ko sinimulan ang aking mga gawain sa araw na ito, nag-enjoy muna ako sa aking meryenda sa umaga. Alam naman natin lahat na ang almusal ang pinakamahalagang kain sa ating lahat kaya kailangan na ito ay masustansya at nakakabuti sa atin. Kayo ba, ano ang inyong almusal kanina?

Gusto kong imbitahan ang aking mga kaibigan na magsumite din ng kanilang entry sa contest na ito. @rye143, @liamnov, @lunajey. Maari ninyong i-click ang link, na ito para sa mga karagdagang gabay sa patimpalak na ito: Steemit Philippines Community Photography Contest Week 5 | Theme: Filipino Food Photography (10-04-2021).

Sana ay natakam kayo nitong aking blog at mahikayat na bumili bukas ng umaga. Paki-tag nalang ako sa inyong mga Taho Moments ninyo! Hahaha!

Sort:  
 3 years ago 

Nakalimutan ko pong i set para @steemitphcurator 😢😢😢
Pwede bang i send nalang ito sa payout nito? Patawad po!

0F0FF7AA-2C90-4B62-AD6E-9301A85E7BF8.jpeg

 3 years ago 

ganyan din ako 1 time. hahaha

 3 years ago 
Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9
2. Creativity.9.5
3. Technique.9.3
4. Overall impact.9.2
5. Story quality.9.5
6. Total.9.3
 3 years ago 

Thank you. 😊

 3 years ago 

Kalami baya jud anang taho basta buntag sir uy.

 3 years ago 

lami jud kaayo maam. Asa nato atong mga kuyog kuyog sauna maam sa atong meet up? hhehe

 3 years ago 

Wa na man koy nakit an nagpost gamay nlang kaayo

 3 years ago 

Lgi maam. Wala ka nawala maam? Ako pag july pa man ko nibalik pud.

 3 years ago 

Ako kay February sad

 3 years ago 

nindot maam kay nasayo sayo.

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Food Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words
set @steemitphcurator 20% benefactor
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9.5
2. Creativity9.5
3. Technique9.3
4. Overall impact9.5
5. Quality of story9.5
Total Ratings/Score9.46

pagka lami sa taho labi na pag buntag pero diri sa amo wala na jud ang suroy2x ba...

 3 years ago 

lami jud kaayo sir!

 3 years ago 

Kani kay permi mi palit ani before pandemic. Mingaw nako.ani oi!!

 3 years ago 

Wala na diay manuroy dinha maam? Naa man diri sa amo.

 3 years ago 

Naa pero usahay nlng mi mupalit. Hehe

 3 years ago 

hehhehe.

 3 years ago 

Kay basin naay covid nyahahha

 3 years ago 

simbako intawn gahah

 3 years ago 

So may pag hubad sa pag model ng taho? hahaha

 3 years ago 

umaga pa po kasi.

 3 years ago 

Hehehe nag explain 😆

 3 years ago 

nagtanong kasi po kau hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68034.95
ETH 3846.82
USDT 1.00
SBD 3.66