"Steemit Philippines Photography Contest Week #4 - Black and White Photography : (Online Class ni Arkin)" | 10% Rewards to @steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago

Online Class ni Arkin

AE2C84C6-40BB-4E86-88D6-74AAC12675AA.jpegArkin, attending his online class today!

Magandang araw sa lahat! Ako naman po ngayon ay narito upang ibahagi itong aking entry bilang pakikilahok sa ginaganap na patimpalak sa ating komunidad. Sana po ito ay inyong magustuhan.


Maaga akong bumangon ngayon dahil ang araw na ito ay ang opisyal na pagbubukas ng klase. Kaya dali-dali akong pumunta sa CR para maligo at nang ako ay makapaghanda na. Bago paman ako nakapasok sa maliit naming CR, napansin ko ang aking pamangkin na tahimik na nakikinig sa kanyang guro. Bumalik ako sa aking kwarto upang kunin ang aking cellphone para makunan ko ng larawan ang eksenang ito.

Ang online-class na nga ang pinakamakabagong paraan ng pagtuturo ngayon. Ito ay ang paggamit ng mga software/applications tulad ng google meet at zoom. Kailangan nito ang malakas na internet dahil maari kang mawala o madisconnect sa online class or meeting kung mahina ang inyong internet connection o mobile data.

Ako, bilang isang guro, ay gumagamit rin ng paraan ito upang lubos na maintindihan ng mga estudyante ang mga paksa sa asignaturang aking tinuturo. Ang ginagawa ko ay iniipon ko ang limang section sa isang GoogleMeet Link lamang dahil ang kukonti lang ng sasali at makakapasok. Sa 200 na estudyante, swerte na ako kung aabot ng 40 ang bilang nila. Kahit ganun pa man ang labanan ngayon, patuloy parin tayo sa ating misyon bilang guro. Mabuti nalang at mayroong record button sa Google Meet upang ma-record ang ginawang klase at ibahagi na lamang ang link nito para mapanood ito ng mga umabsent sa talakayan.

Balik tayo kay Arkin! Nakakaaliw na tignan at pagmasdan si Arkin na nakikinig, nakikisali sa talakayan, sa pag on at off sa microphone, at paghawak ng mouse ng laptop. Siya ngayon ay 5 taong gulang na at nag-aaral bilang sa Kindergarten. Siguro, hindi niya kailangang mag-adjust sa ganitong pamamaraan kasi ito ang namulatan niyang paraan ng pagkatuto.

Bagamat marami ang nagbago buhat ng pandemyang ito, mananatili parin ang pagiging malikhain, matyaga at pagsisikap ng bawat isa. Tayo lamang ay wag sumuko sa pagsubok na ito.


Iniimbita ko rin ang aking mga kilala at kaibigan na makihalok sa patimpalak na ito:

@grasyaa
@lunajey
@jenesa
@rye143

Maari ninyong bisitahin ang link na ito para sa mga karagdagang impormasyon patungkol sa contest na ito: Steemit Philippines Community Photography Contest Week 4 | Theme: Black and White Photography (09-12-2021)

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at sa pagbasa nitong aking blog. Hanggang sa muli!!!

@christianyocte

Sort:  
 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/372 Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9.8
2. Creativity9.5
3. Technique9.5
4. Overall impact9.8
5. Quality of story9.5
Total Ratings/Score9.6
 3 years ago 

Daghang Salamat, Admin @loloy2020!

 3 years ago 

Hello Sir @Christianyocte 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong blacknwhite photography contest sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 4.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

 3 years ago 

maraming salamat po sa inyo @jb123

 3 years ago 

Walang anuman po sir. Godbless

 3 years ago 

Karagdagang mga batayan sa patimpalak:

10% RewardsTwitter Promotion
9053183D-714E-4EBF-B213-6425BCC85F98.jpeg619A9C84-6D99-4805-947C-62D8515D517F.jpeg
 3 years ago 

Back to online schooling na pud..ang uban module..pero mas preferred jud nako ang face to face kay mAs daghan maton.an ang mga bata..

 3 years ago 

Mao gyud sir, bisag kaming mga magtutudlo nangandoy nga mag face to face. Pero dili sa gyud pwede karon kay delikado kau. Labi na sa public nga daghan kaau ug students.

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Syempre po! masaya po tayo dito!

 3 years ago 

@christianyocte
Relevance / Adherence to the theme: Black and White Photography - Current Events
30%
Score: 97% 29.1

Visual Impact

The distinctiveness of the photo if a person would actually take a second glance of it and how it stands out from the rest.
30%
Score: 98% 29.4

Photo Quality and Composition:

This applies the basic rules in photography. Subject, background, clarity, sharpness, technique, rule of thirds, etc.
40%
Score: 98% 39.2

Total Score: 9.77

 3 years ago 

Thank you po para sa inyong score sheet sa aking entry! Ang transparent talaga!

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.9
Creativity.9
Technique.8
Overall impact.8.5
Story.9
Total.8.7
 3 years ago 

Salamat kaayo ani! 😊

 3 years ago 

mao na jd ni ang new normal.. ang mga ginikanan naglikay na magsige ug tan aw ug screen ang mga bata pero wa na jd tay mahimo kun need jd nila mo attend ug online class

 3 years ago 

Lagi maam. Unya tagaan nalang sad gan sa gusto nga magcellphone kaysa mugawas sa balay nga delikado kaau.

 3 years ago 

Sa panahon ngayon hindi lang ang mga matatanda ang nagaadjust oati na din ang ating mga kids, mga estudyante. Nakakatuwa kung gaano ka attentive ang iyong anak sis sa classes nya to think na limang taon ang sya. GUsto nya tlagang matuto. Eto na tlaga ang ating new normal sa panahon ngayon. Okay lang din sa akin na sa bahay sila nagaaral kesa magkasakit pa sila basta kailangan pa din ng gabay nating mga magulang. Mabuti ako eh kakagraduate lang ng anak ko sa Senior HIgh school this year. Talagang nakakapnibago dahil lahat online na pati graduation online na din.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 62868.78
ETH 3089.59
USDT 1.00
SBD 2.48