Open Mic OPM : Kastilyong Buhangin ni Basil Valdez | Starmaker

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang Araw mga Kabayan!

Para sa araw na ito, aking ibabahagi sa ating kumunidad ang aking pakikilahok sa patimpalak na pinapangunahan ni Nanay @olivia08. Ito ang Open Mic Contest. Kahit hindi ako singer, mahilig po talaga ako sa videoke. Pasenya nalang po talaga sa mga napapangitan sa boses ko.

Ito nga po pala ang bago kong account sa #starmaker. Sa ngayon po mayroon na akong dalawang cover doon. Bahala na talaga ang makakarinig sa boses ko. Pakihinaan nalang talaga ang cellphone ninyo at higpitan ang hawak nyo.

6043D19B-A2D0-4D80-8971-F7D42F0D3B81.jpeg Starmaker Link

Pero meron rin po akong account sa We Sing kasi nga po hilig po talaga 🤣. Kahit anu ano lang talaga ang ginagawa ko sa buhay buhay.

FEB72C77-0845-4D27-9D69-393D34A29903.jpegWesing Link

Nasiyahan po talaga ako sa contest na ito dahil ibang talento naman ng mga Pilipino ang ipinapkita sa buong mundo. Alam naman natin na magagaling talaga ang mga Pinoy sa pagkanta, kaya nga minsan napapaisip ako sa aking sarili kung Pinoy ba talaga ako or Power Ranger!

Handa na ba kayong makinig sa aking awitin? Pakihigpitan ang hawak sa inyong cellphone. Tandaan wag itapon ang cellphone dahil sa galit nyo sa boses ko.

AD41D5BE-EC7D-48BB-8245-050D9BE24BD7.jpeg

Kastilyong Buhangin

Isa sa pinakagusto kung kanta sa OPM ay ang Kastilyong Buhangin ni Basil Valdez. Kaya ito ang aking napiling awitin para sa contest na ito. Gusto ko rin ang mensahe ng kantang ito.

Minsan ang isang pangako ay maihahambing sa isang Kastilyong Buhangin

Tunay nga naman na ang isang pangako ay parang isang Kastilyong Buhangin dahil gaya nito ay madali lamang itong masira. Sa ingles nga, “Promises are made to be broken”. Kapag ikaw ay tumanggap at naniwala sa isang pangako galing sa isang tao at ito ay napako, sobrang sakit ang iyong mararamdaman.

Minsan noong bata pa tayo, ang ating magulang ay nangako na bibilhan tayo ng laruan. Kaya excited tayo na salubongin sila sa kanilang pagdating galing sa trabaho dahil umasa tayo na mayroon silang dalang laruan. Pero, seguro dahil sa kahirapan mas inuna ng ating magulang ang pagbili ng ating makakain. Iiyak tayo, ngunit pagkatapos nito ay magiging okay rin tayo.

Pero, sa ating pagtanda, mas nagiging masakit ang mararamdaman natin kung ang mga pangakong ito ay napapako. Halimbawa ang pangako na ikaw lang ang mamahalin at iibigin noong ikaw ay nagkaroon ng nobyo. Pero, malalaman mo lang na ipinagpalit ka lang sa iba. Magdudulot ito ng sobrang sakit sa ating puso. Maaring dahil ito sa mas malalim pa na dahilan - being left out, being rejected, being not good enough, at marami pang iba.

Ngunit dapat nating tandaan na wala tayong kontrol sa mga bagay na ito. Wala tayong magagawa sa desisyon at kilos ng ibang tayo kahit pa sila ay kadugo at kaibigan mo. Kaya isang pagkakamali kung sasabihin mong ayaw mo na dahil ang oras at mundo ay patuloy sa kanilang pag-ikot.


Sana maging leksyon ito sa ating lahat na kung tayo ay mangangako, gumawa tayo ng isang Kastilyong Buhangin na malayo layo sa alon ng dagat at gagawin itong matibay na kahit maabot man ito ng tubig, hindi ito agad na magigiba. Huwag tayong mangako kung hindi naman natin kayang tuparin. Maging honest tayo sa iba at sa ating mga sarili. At laging tandaan, na ang bawat kilos at desisyon na ating ginagawa ay may kaakibat na resulta na kailangan mong pangatawanan.

Sana kayo ay nasiyahan sa post kong ito at sa kanta na rin kung binisita nyo ang link na inilagay ko. Maraming salamat sa inyong oras.
Gusto ko rin sanang imbitahan ang mga kaibigan ko na makilahok sa contest na ito: @rye143, @lunajey, @ynamendoza.

Sort:  
 3 years ago 

Salamat laayonsa imo g pagsalmot. Daku naku dungog nga miapil jud ka . paki invitecsa uban.

 3 years ago 

unta lagi moapil ni sila @rye143, @jenesa, @lunajey

 3 years ago 

Hopefully dong. aron alegre

 3 years ago 

Hala, unsa ni? Hahaha!

Maulaw sad ta sa atong tingog ani ba.

 3 years ago 

hahaha kita kita ra hahah

 3 years ago 

Wow very talented. Salamat, ang ganda naman ng boses mo po sir. 👏

 3 years ago 

parang hindi naman hahah. Pero salamat na rin.

 3 years ago 

One of my favorite song sa kanta ni Basil...

 3 years ago 

likewise maam. ganda kasi

 3 years ago 

Grabeha selection Sir! Pang tawag ng tanghalan gyud! Great job kaayo!

 3 years ago 

pagsure maam nauwaw nakos akong entry hahah

 3 years ago 

lahi ra sir oy HAHAHHA ka laban ba nato ani

 3 years ago 

apil na day!

 3 years ago 

Nahirapan ako hanapin. ^_^ Nice song! Kasama sa buhay ang mga kabiguan. May darating din talaga para sa atin.

 3 years ago 

Nahihiya akong i post sa youtube kasi dahil nagfofollow ang mga students ko sa akin. pasensya po.

 3 years ago 

Thank you for being so active ^_^ keep up the good work. That's all I can say.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 61604.80
ETH 3444.70
USDT 1.00
SBD 2.50