Thediarygame season3//10-8-22//poloa jeddah saudi arabia#club5050

in Steemit Philippines2 years ago

Blessful afternoon every one and the whole steemians world, i hope your day is fine and full of bleesings frim god. Ang mga larawang ito ay kuha ko sa poloa na kong saan siyang tinitirhan ko ngayon para maging safe ang stay ko sa jeddah, mangyari kasi kinasuhan na ako ng scape ng dayi king amo dahil hindi na ako nakabalik sa kanya , akala ko kasi eprocess ako nong nalipatan ko na amo yon pala ay hindi niya ako maprocess dahil humihingi ng bayad ang old employer ko ng malaking pera 25k rials nahihirapan ang mga new employer na magbayad sa akin sa ganon kalaking pera. Kaya nahihirapan din ako maghanap ng bagong trabaho, pinipilit kong maghanao ng trabaho dahil paano n ang aking pamilya sa pinas at paano ang aking ina na umaasa lang sa akin , lord ikaw na sana bahala sa akin. Sa ngayon ay nasa imbahada ako ng poloa sa jeddah.

received_1345392785865978.jpeg
Ayan ang ilang bahagi ng aking tinitirhan ngayon ang poloa ng jeddah na kong saan sila ang tumutulong sa akin para sa makauwe, ninais ko nalang umowe dahil hindi rin naman ako makahanap ng trabaho sa jeddah dahil sa nakabinbin na hinihinging bayad sa akin at hurob pa ako o absents of work yan ang kaso na ikinaso sa akin ng aking amo para hindi na siya mangialam sa akin kong ano man ang mangyari sa akin. Mayroon lang akong tatlong buwan para makahanap ng trabaho sa jeddah pagkatapos ay kong may ticket na ako pauwe ng pinas makakauwe na ako ng pinas ang kinakatakot kulang wala akong ipon paano nalang ang mga hayop na alaga namin at gatas pa ng aking anak.

received_646904243456122.jpeg
Ang mga ginagawa lang namin ngayon ay sumagip sa poloa at naghihintay ng magandang balita, kong makapag connect ng wifi siya namang pagtawag ko sa kaibigan ng pinsan ng aking asawa para may matulugan kami sa labas para naman makahanap ako ng trabaho sa labas para may maipadala ako sa pinas. Kawawa naman aking anak kong wala akong pera maipadala baka wala ng gatas mabili. Kong hindi ako kikita ng pera paano nalang ang aming pabo at pato wala ng makain.

received_663260131734921.jpeg
Tumatawag din ako sa aking asawa para kamustahin sila at para naman malaman nila ang aking kalagayan, parati kulang pinaparamdam kulang sa kanila na okey ang lahat para naman hindi sila mag alala sa akin, alam kong nag aalala na talaga sila sa akin kaya kailangan kong makahanap ng trabaho dahil kailangan namin ng pera paano nalang ang lahat ng pangangailangan namin sa araw araw ang mga pangarap namin paano na ito matutupad kaya kailangan talaga ako makahanap ng trabaho. marami na akong pinagtatanungan pero wala parin ako mahanap na trabaho dahil sa tuwing may magkakagusto sa akin kumuha ay siya namang pag atras nila dahil sa alki ng singil na bayad kaya paano na king paghahanap ng trabaho.

received_1279094269516686.jpeg
marami sa poloa ang naghihintay din ng parol para maka iwe ng pinas pero dahil sa may mga kaso dina ng iba kaya natatabalan sila kong umuwe ng pinas, ako kaya pa namang maghanap ng trabaho pero paano ako makahanap hg trabaho sa kanitong sitwasyun. Ayan si alexo bibili ng pagkain o inumin yata, ang ipinagdadasal kulang sa ngayon ay makahanap ng trabaho sa labas para naman may ipon ako at may maidala n apera sa pinas. Mataming salmay sa inyong pakikinig ganyan ang buhay sa abroad may swerti at may hindi at ako na ang isa sa mga hindi pinalad, sana lang makahanap na ako ng employer na makakatulong sa akin.

Hanggang dito nalang ako dahil maghahanap pa ako ng matatrabahuan, kokontakin ko ang mga kakilala ko sa jeddah pafa naman mahanapan nila ako ng partime work, maraming salamat sa inyong lahat sa inyong walang sawang pagsubaybay ng aking mga maikling kwento sa abroad, muli ay maraming salamat, may god bless us all!.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 59007.15
ETH 2493.89
USDT 1.00
SBD 2.46