Steemit Philippines Photography Contest Week #4 - Black and White Photography : Ang aking Obligasyon bilang isang Ina

in Steemit Philippines3 years ago

Mabuhay at magandang araw dito sa ating Steemit Philippines Community!

Masaya akong malaman na meron na naman tayong bagong photography contest dito sa community natin kaya ito ngayon at magpapasa nang aking entry at sana ay inyon itong magustohan at suportahan.

Sa tingin ko ay ang pagiging isang ina na ang pinaka mahirap na trabaho sa buong mundo dahil hindi madali ang magpalaki nang isang maliit na bata. Ipapakita ko sa aking entry ngayon ang isa sa obligasyon ko bilang isang ina.

image.png

Ang isa ngang obligasyon nang isang ina ang mag-alaga at magpakain nang anak at masasabi ko talaga na hindi ito madali lalong lalo na kung mensan ay wala sa mode aking anak kung pakakainin ko. Pero masaya din naman ako na ibahagi na napakabait nang aking anak dahil minsan lang ito mahirap pakainin at minsan nga ay siya pa ang kusang magbubuka nang kanyang bibig kapag pakakainin.

Unti unting lumalaki na nga ang aking anak at unti unting naglalakad na kaya sobrang likot na pero makikita ko na lang na mabuti siya at malusog ay masaya na rin ako na kahit mahirap ang pagaalaga sa kanya ay mawawala na rin ang pagot sa tuwing makita ko siyang masaya at malusog.

Nagpasalamat din ako sa aking asawa dahil nandiyan siya na laging tumutulong sa akin sa pagaalaga kahit na pagod siya sa trabaho, hindi pa rin siya nagsasawang tumulong sa akin lalong lalo na kung oras na nang pagtulog dahil minsan ay mahirap itong patulogin ang aking anak na si King king pero sa tulong nang aking asawa ay hindi ako gaanong gagod kaya salamat sa kanya talaga.

Kahit na nga medyo mahirap ang panahon ngayon dahil sa pandemya minsan parang nawawalan ako pag-asa at na dedepress, sa tulong nang aking anak at asawa at aking buong pamilya makakaya ko itong lahat at lalo na sa aking pagtitiwala sa panginoong Dios makakaya ko itong lahat nang problemang nang yari sa amin. Isa lang ang naaral ko dito, ang pagkakaisa nang pamilya at pagtutulongan sa bawat problemang dumarating sa ating buhay.

Malapit na rin ang kaarawan nang aking anak na si King king at kahit medyo mahirap ang panahon ngayon, makakaya pa rin namin ito at makaka celebrate pa rin kami sa pagtutulongan naming lahat na pamilya.

Hanggang dito lang po ako mga kababayan at salamat sa pagbisita sa aking photography entry at hanggang sa susunod uli.

Ang inyong kaibigan,

@chishei2021

Sort:  
 3 years ago 

Ang pagiging ina ay isa sa mga pinakamahirap na role pero the most rewarding one. Makakarelate ako sayo dahil meron din akong anak. hindi lang isa. meron ako tatlo. :D

pero laban! masaya tayo mga ina kung masaya ang ating mga anak.

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.9
Creativity.8.5
Technique.8
Overall impact.8
Story.8.5
Total.8.4
 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9.2
2. Creativity9.2
3. Technique9.3
4. Overall impact9.2
5. Quality of story9.3
Total Ratings/Score9.2
 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Best profession is being a mother.
Total rating: 9.3

 3 years ago 

Laban lang po! nice entry anyway

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59238.58
ETH 3176.28
USDT 1.00
SBD 2.45