Steemit Philippines Community Photography Contest Week 2 | I Love My Family, Pa Picture sa Pag-uwi nang Aking Asawa galing Trabaho (08-17-2021)

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang Araw sa ating lahat dito sa Steemit Philippines!!!

Talaga po nasisiyahan kong malaman na meron na naman bagong Photography Contest dito sa Steemit Philippines community. Kaya para sa aking entry gusto ko pong ibahagi sa inyong lahat ang bagong picture naming pamilya.

image.png

Ang trabaho nga nang aking asawa ay isang Task Force dito sa aming Munisipyo na kung saan sila ang nagpapanatili nang katahimikan sa buong lungsod. Napaka aga nang kanyang duty kaya sa pag-alis niya sa umaga ay tulong pa ang aming anak na si King2x kaya sa tuwing umuuwi siya sa hapon o pa minsan ay gabi na, ito ang oras na makikita niyang gising ang aming anak kaya na feel ko talaga ang sabik na makita niya ang anak namin at pati na rin ang anak namin dahil sa tuwing nakikita niya ang kanyang papa ay nagmamadali itong lumalapit sa kanya.

Sa kabila lang hirap nang trabaho nang aking asawa ay masayang masaya pa rin ako dahil sa araw-araw ay nakaka-uwi ito nang maayos at nasa magandang kalagayan. Ang makita niya na masaya din ang aming anak sa tuwing pag-uwi niya ay talagang magandang makita dahil doon tiyak na napapawi ang pagod na kanyang nararamdaman.

Kaya sa araw nga na ito, noong pag-uwi nang aking asawa ay nakita ko rin na masayang masaya ang aming anak kaya sinabihan ko ang aking kapatid na kuhaan muna kami nang larawan at gusto ko nga itong ibahagi sa inyong lahat dito sa community.

Kaya ang tangi ko lang masasabi sa lahat ay panatilihing nasa magandang kalagayan ang inyong pagsasamang mag-asawa at magagawa lamang natin ito kung tayo ay nagkakaintindihan. Kailangan din nating gawin ang lahat na maging masaya ang buong pamilya upang maging matiwasay ang pagsasama.

Dahil nga sa mahirap ang trabaho nang aking asawa, inaalagaan ko na rin siya araw-araw mula umaga hanggang sa gabi sa pag-uwi niya. Isa din ito sa kailangang gawin nang bawat asawa upang maging magkaisa ang buong pamilya.

Hanggang dito lang po ako mga kaibigan at maraming salamat sa pagbabasa at sana ay nagustohan ninyo itong entry ko.

Ang inyong kaibigan,

@chishei2021

Sort:  
 3 years ago (edited)
PanuntunanPuna
1. Theme
2. Verified
3. Proper Title
4. Posted on Steemit Philippines
5. Only 1 photo
6. Proper tagging/steemexclusive
7. No. of words349
8. No. of entries1
9. Plagiarism ratepassed
10. Curators rate7.5
 2 years ago 

Ang gwafo ng bata, kamukha sa mga magulang

 3 years ago 

Ang cute ni baby ^_^ ang sarap pinch yung pisngi hehehe (pardon me for that hehe) Awwww I am glad to know that you also take care of your hubby even though we know that he can take care of himself. That is what we call LOVE and clearly shows in this photo.

 3 years ago 

happy Family! cute cute ni kring2x!

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 2.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account.

@steemitphcurator

God Bless po!!!

 3 years ago 

What a happy family!

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 58237.47
ETH 2479.72
USDT 1.00
SBD 2.38