Steemit Philippines Community Photography Contest Week 1 | Newly Opened Esplanade Boulevard Iligan City

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang Araw sa ating lahat dito sa Steemit Philippines!!!

Nitong araw nga na ito ay nasisiyahan akong malaman na meron na naman palang bagong contest dito sa ating napaka gandang community at ito ay ang Photography contest at saktong sakto lang din dahil nitong nakaraang araw nga ay nakapag travel ako kasama nang aking asawa sa kakabukas lang na EsplanadeBoulevard sa Iligan City.

image.png

Ang talagang sadya namin nang aking asawa sa pag punta namin sa syudad nang iligan ay para makapag update sa aming SSS at para na rin maka bayad. Nakarating kami sa iligan nang mga nasa 10 na nang umaga at mabuti nalang at hindi gaanong maraming tao ang naroon sa SSS office kaya naging madali lang kaming natapos doon.

Dahil nga madali lang kaming natapos sa SSS ay napag pasyahan nang aking asawa na mag punta muna kami sa kakabukas lamang na boulevard dito sa iligan City dahil marami kaming nabasa sa mga social media na meron ngang bagong boulevard at sabi nila ay maganda daw dit kaya agad din kaming nag punta doon dahil hindi naman gaanong malayo sa SSS office.

Pagdating nga namin doon ay bumungad sa amin ang napakagandang lugar na ito. Under construction pa rin ito pero marami nang mga magagandang tanawin na makikita dito. Ang nakakamangha talaga dito ay ang mga Structure na ginawa nila na para bang nasa ibang bansa, talagang nakaka ingganyo nang mga turista. Sabi pa nga nila ay mas maganda daw dito kapag gabi dahil merong mga lights na magandang tignan.

Isa talaga ito sa hindi ko malilimotang travel namin nang aking asawa dahil sa tagal na nang pandemya medyo matagal na rin na hindi kami naka byahe at salamat lang din kami sa Dios dahil safe kaming nakarating sa Iligan city at safe din na naka uwi sa aming bahay.

Ang masasabi ko lang ay kahit na meron pa rin tayong pandemya, kung may pagkakataon may magbyahe tayo lalo na kung kasama natin ang ating mahal s buhay. Sulitin ang mga oras at e enjoy lang ang bawat sandali.

Hanggang dito lang po ako at sana nagustohan ninyong lahat ang aking bagong byahe ngayon kasama ang aking pinaka mamahal na asawa.

Salamat po!!!

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagsali sa ating pinaka bagong Photography Contest. Ang sayang malaman na nakakapag byahe na po kayo at ang ganda naman po diyan.

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Photography Contest Entry. Ang iyong post po ay kabilang sa Top 5 posts picks of the day at recommended para sa @booming support program.

 3 years ago 

I also have just recently changed my status there in SSS to self-employed. Planning to have my first ever loan haha! Nice photo with a nice weather to match! Keep it up. Looking forward for more entries. You Steemit moderator here from Luzon - @Fycee

 3 years ago 

Wow, galing naman.

 3 years ago 

Hi mam @chishei2021 I'm glad to see your post. My niece also told me about that newly opened Esplanade. I wish to visit there someday. I was in Iligan for 8 years that was 20 years ago and I miss the place. I have 2 siblings there 😊.

 3 years ago 

wow! This is so near sa bahay. :) glad that you enjoyed.

 3 years ago 

Taga Iligan ka po ba?

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 61119.19
ETH 2615.15
USDT 1.00
SBD 2.65