My Verification Post: @chishei2021/MINDANAO/(07/21/2021)

in Steemit Philippines3 years ago

Hello, po Steemit Philippines Community!!!

Nabasa ko po sa na kailangang ipa fully verified ang sarili upang makasali sa mga contest nang Steemit Philippines Community kaya ito po ang aking post pa tungkol dito.

Ito po ang aking selfie at ang papel na kung saan nakasulat ang mga detalye.

image.png

Para po malaman niyo pa po ang aking sarili, ito po ang kaunting impormasyon tungkol sa akin.

Ang totoo ko pong pangalan ay Sheila 35 years old na at nakatira sa Pilipinas, sa rehiyon nang Mindanao, sa Misamis Oriental. Ako po ay meron isang anak na si Chito John o King2x at siya ngayon ay 7 buwan pa lamang. Ako din po ay dating OFW sa Oman at noong 2019 bago ang pandemya ay naka uwi ako kasama nang aking asawa, buti na lang po.

Dito naman sa Steemit, wala pa po talaga akong alam dito kaya salamat lang din ako dahil ibinahagi at tinulongan ako nang aking kapatid na si @loloy2020 upang malaman ang Steemit at ang mga basic dito kaya unti-unti ko na ngang nalalaman ito. Nagpapasalamat lang din ako sa Steemit dahil kahit papano ay nakakatulong ito sa akin at ang lahat na kikitain ko dito ay gagamitin ko sa parating na kaarawan nang aking anak na si King2x ngayong Nobyembre ngayong taon na ito dahil ito nga ang kauna-unahang kaarawan nang aking anak.

Siguro, hanggang dito nalang po ako ngayon dahil nasabi ko na rin din naman ang lahat na pwede ko maibahagi.

Maraming salamat po sa inyong lahat!!!

Ako po uli si,

@chishei2021

Sort:  
 3 years ago 

Mabuhay! Ikinagagalak po namin ang inyong pagsali sa komunidad na ito...sana maging aktibo po kayo dito.

Salamat.

 3 years ago 

Welcome to Steemit Philippines po at maraming salamat sa pag verify.

 3 years ago 

Maraming salamat sa pagveriy ng iyong account sa ating community.. Ang cute ng baby nio po! :)

 3 years ago 

Salamat po. 😀😄☺

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 67467.65
ETH 3470.01
USDT 1.00
SBD 2.71