THE DIARY GAME SEASON 3 (08-24-21) ANG PAGBISITA KO SA AKING INA SA KANYANG TAHANAN

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw po sa inyong lahat. Ako po ay nagagalak na bumalik na po ulit ang ating pa contest ng diary dito sa Steemit Philippines Community. Kaya naman naghandog agad ako ng aking unang entry para sa week 17 ng diary game.

20210824_102755.jpg

Martes, August 24, 2021. Maaga kong binisita ang mama ko sa kanyang tahanan. Kahapon kasi tinawagan ako nang ate ko na si mama daw ay laging sinasambit ang pangalan naming dalawa ng kapatid kong babae. Kami kasing dalawa ay medyo malayo yung tahanan namin sa bahay ni mama. Kaya madalang kaming magkita at makabisita.

Sa bawat paksa daw na pag-uusapan nila parati daw isinisingit ang mga pangalan namin at ang mga apo niya sa amin. Kaya naman ngayong araw ikinansela ko ang lahat ng lakad ko para mabisita ko si mama sa tahanan niya. Ako lang mag isa, hindi kasi nakapag paalam ang bunso kong kapatid na babae sa amo niya kaya sa susunod na araw na lang daw siya. Mga anak ko naman hindi ko rin maisama dahil sa ipinagbabawal pa sa lugar namin ang mga bata na lumabas o bumiyahe. Kaya solo muna ako ngayon.

20210824_103307.jpg

Pagdating ko agad sa bahay nila mama, nadatnan ko si mama na nagluluto ng "puto balanghoy" which is puto na gawa sa cassava. Agad ko siyang niyakap dahil sobra ko talaga siyang na miss. Ang saya na nakita ko sa mga mata niya ay sobrang nakakatunaw ng damdamin. Tinulungan ko siya sa kanyang ginagawa dahil sobra ko ring nami miss ang gawaing iyon. Iyon kasi ang laging ginagawa namin noong mga bata pa kami.

Ang saya-saya naming nagkwentuhan ni mama. Sa kalagitnaan ng pag uusap namin pinaliwanag ko sa kanya kung bakit madalang na lang akong bumibisita sa kanya. Pero ginagawan ko pa rin ng paraan para mapuntahan siya dahil sobra akong nag alala ako sa kanya. Si mama ay 66 taong gulang na. Masyado na siyang matanda tingnan pero ipinagpapasalamat ko ito sa Diyos dahil sa kalusugang ipinamalas niya sa aking mahal na ina.

20210824_103510.jpg

Siyempre hindi ko makalilimutan yung talagang gustong-gusto niyang ginagawa ko sa kanya sa tuwing ako'y bumibisita sa bahay niya. Ito ay yung pinapaganda ko siya. Noon ang ginagawa ko sa kanya ay nililinisan ko ang kanyang mga koko sa kamay pati na rin sa paa. Ngayon, ayaw na niya kasi nadudumihan lang daw at nasisira sa tuwing pumupunta siya sa kanyang taniman ng mga gulay at kamotengkahoy or cassava. Kaya naman pang kulay na lang ng buhok niya ang aking dala para makulayan ng itim ang ang puro puti niyang buhok at talagang ang saya-saya niya.

Sa kabila ng napaka abala natin sa ating pang araw-araw na gawain. Maglaan ng kahit isang araw para makipag bonding sa ating mga magulang kahit pa may kaniya-kaniyang pamilya na tayo. Lalong-lalo na yung mga hindi nila kasama sa bahay ang mga magulang nila. Dahil ang pag laan ng kahit kaunting oras sa kanila ng kanilang mga anak ay walang kapalit na halaga. Gayunpaman maswerte pa rin tayo at kasama pa rin natin sila dito sa mundong ibabaw.

Muli ito ang inyong steemian ngayong araw na nagsasabing .... Magandang Araw po sa inyong lahat!

Iniimbitahan kong sumali sa diary game contest na ito sina @noaj, @mitchmeghunder @autumnbliss.

Ang iyong lingkod,
@chibas.arkanghil

Sort:  
 3 years ago 

Hello kaibigang @chibas.arkanghil 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong diary game contest sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para sa diary game contest sa linggong ito, week 17.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Para po sa karagdagang Impormasyon, pakibasa po sa link sa ibaba.

Note: Paki gamit po nang #steemexclusive tag para magkaroon nang malaking tsansa na mapili sa ating @booming support program.

God Bless po!!!

 3 years ago 

Hello po @steemitphcurator meron na po akong steemexclusive tag, pangalawa po siya sa tag na nilagay ko bago ko po ito ipinost.

 3 years ago 

This is so heart-melting. ^_^ For a person so opinionated, I was struck in awe that there are no words for me to say or even write.

 3 years ago 

Thank you for this kind words @steemitphcurator🙏

 3 years ago 

Isang napakagandang tanawin na masilayan mo ang iyong Ina. Matanda lang sa akin ng isang taon ang mama mo inday. Malayo rin sa akin Ang mga anak ko kaya nagkasya na lang kami sa aming family chat at Ako naman ay suportado nila. Ganyang talaga mga nanay, miss mga anak nila kahit malalaki na. God bless you

 3 years ago 

Salamat po maam, God bless you then po!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 65578.21
ETH 2613.33
USDT 1.00
SBD 2.67