Steemit Philippines Photography Contest Week #4 [Black and White Photography] Pandemya ay hindi hadlang para ipagpatuloy ang pag-aaral

in Steemit Philippines3 years ago

Isang maligayang araw po sa inyong lahat. Nais ko pong sumali sa contest na ito dahil sa entry ko ay gusto ko pong ma-enganyo ang mga kabataan na ipagpatuloy pa rin ang kanilang pag-aaral sa kabila ng pandemya na ating kinakaharap.

received_2075421959278393.jpeg

Ang larawan pong ito ay kuha kanina lang umaga. Noong nakaraang linggo ay sa elementerya ako ng soong kumuha ng modyul para sa aking dalawang anak. Ngayon naman ay sa highschool ang destinasyon ko. Sa larawan ay nasa elementarya ng mactan ang venue sa pagkuha ng modyul para sa mga batang nasa sekondarya na. Grade 7 na kasi ang panganay kong anak.

Doon nila sa paaralan ng elementarya ng mactan isinasagawa ang pagbibigay ng modyul sa grade 7 hanggang grade 8 kasi daw yung ibang parte ng paaralan ng mactan sa sekondarya ay ginagawang isolation room para sa mga nagka covid. Maaga po akong natapos doon kasi maaga po akong dumating sa venue. Marami din pong mga magulang na dumating at kumuha ng modyul para sa kanilang mga anak. Nagpapatunay lang na maraming magulang ang gusto pa ring ipagpatuloy ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Isa na ako doon. Nagtiya-tiyaga akong kunin ang mga modyul ng mga anak ko kahit pa hiwalay o magkaiba ang destinasyon na pagkukuhanan ng modyul. Sa kabila man ng pandemya na ating hinaharap ngayon.

Sa mga kabataan maging inspirasyon po sana nila ang mga magulang nila na nagsumikap kumuha ng modyul nila. Sana ipagpatuloy pa rin nila ang kanilang pag-aaral at hindi sila tumigil upang matuto. Huwag sana nilang bitawan ang kanilang kagustuhan noon na makatapos nang dahil lang sa pandemya.

Makita sana nila iyon sa pagsisikap at pagpursegi ng mga magulang na kumuha ng modyul sa paaralan para may matutunan sila. Dahil hindi pandemya ang sisira sa mga pangarap ng mga kabataan na makatapos at gayundin mga pangarap ng magulang para sa kanilang mga anak.

Kaya mga kabataan, mayroon mang di maintindihan sa inyong modyul na sinasagutan huwag kang mag atubiling humingi ng gabay sa magulang at kapag hindi iyon alam ng magulang pwede rin namang sa guro itanong at ipaalam nang sa gayon hindi kayo mahirapan at pagsagot sa modyul ay masolusyunan. Kung nasa trabaho ang magulang at hindi mo mapagtanungan may group chat naman sa bawat seksiyon ng paaralan. Ang daming paraan para makamit ninyo ang tagumpay na inaasam kaya focus lang kayo at enjoy lang basta huwag isipin na ang pandemya ay hadlang.

Hanggang dito na lang. Nais ko pong imbitahan sina @autumnbliss, @natz04, @lailyn.lariosa na sumali din sa contest na ito.

Ang iyong lingkod,
@chibas.arkanghil

Sort:  
 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/422 Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9
2. Creativity8.8
3. Technique8.8
4. Overall impact9
5. Quality of story8.8
Total Ratings/Score8.9
 3 years ago 

Salamat po sa rating sir @loloy2020

 3 years ago 

@chibas.arkanghil
Relevance / Adherence to the theme: Black and White Photography - Current Events
30%
Score: 92% 27.6

Visual Impact

The distinctiveness of the photo if a person would actually take a second glance of it and how it stands out from the rest.
30%
Score: 85% 25.5

Photo Quality and Composition:

This applies the basic rules in photography. Subject, background, clarity, sharpness, technique, rule of thirds, etc.
40%
Score: 85% 34

Total Score: 8.71

 3 years ago 

Thank you po sa rating maam @fycee.

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Maraming salamat din po sa pa contest na ito.

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.8.9
Creativity.8.5
Technique.8.5
Overall impact.8.5
Story.9
Total.8.7

Maraming salamat sa iyong pagsali sa contest na ito.

 3 years ago 

Thank you sir @juichi.

 3 years ago 

maging masipag sana ang mga bata n mag aral kahit sa bahay lang

 3 years ago 

Oo friend at kailangan talaga may mag guide.

 3 years ago 

Sa panahon ngayon kailangan talaga ng gabay ng mga magulang upang ang mga kabataan ay matutukan sa kanilang pagaaral dahil kung hindi maglalaro nalang sila talaga. Mas higit na kailangan ang nanay lalo kung ang tatay ay naghahanapbuhay.
Sa likod daw ng mga successful na graduates ay ang mga magulang na matiyagang tinutukan ang mag-aaral. Matiyagang sinusuportahan ang pagaaral ng mga anak.

 3 years ago 

Tama po kayo maam. Sa panahon po ngayon.mas pabor po yung mga kabataan na nasa bahay lang ang kanilang nanay kasi po dito sa amin kadalasan po ang nanay at tatay ang nagta trabaho. Naiiwan lang po sa lola.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.24
JST 0.037
BTC 95716.86
ETH 3329.80
USDT 1.00
SBD 3.02