Ang Pagbabalik ni @cdaveboyles23

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang gabi mga Kababayan ko.

Ako po ay si Chrisdev, isang ama ng dalawang anak na babae at ako ay may isang asawa lamang. Isa din ang ang ina ngunit wala siya sa piling ko 24 na taon nakalipas. Dinadalaw lang ako paminsan-minsan sa loob ng dalawang taon at ngayon malapit na tatlong taon, hindi ko personal na nakita. Masakit man sa damdamin tinatanggap ko dahil ang alam ko para naman din sa amin kinabukasan ang kanyang ginagawa.

inbound807678687868827937.jpg
Ang mahal kong asawa ang kumuha ng aking larawan na ito.

Nag-asawa ako noong akoy 25 taong gulang pa lamang at magkasing edad kami ng asawa ko. Araw lang pagitan namin sa isang buwan..Sa awa ng Dyos, magkasundo kami. Pareho na kami walang ama at mga ina namin ay wala sa tabi namin kaya, kami lang ang mgka agapay sa hirap at ginhawa..Ang dakawang anak namin ang ilaw ng tahanan at nagbigay ng kulay sa buhay namin.

Ang kapatid ng ina ko ang naging gabay ko simula nang umalis ina ko.siya yong tumayong ina ko simula grade 1 hanggang kolehiyo, ang patatapos ko sa pag-aaral. Wala din si mama ko tuwing graduation at kasal ko. Yan ang masakit na katotohanan ng isang anak ng OFW. Hindi sapat ang pera kundi kulang ako sa pangungulila ng isang ina.

inbound8713362922117525423.jpg

Ako po ay kasalukuyan nagtatrabaho sa pamahalaan ng aming lungsod. Pinapaaral din nila ako ng libre para sa kadagdagan kaalaman para sa administratibong tungkulin sa aming lungsod. Isang taon nalang at matatapos ko.ito at sana sa panahong iyon ay narito na ang aking ina.

Ang aki g ina ay si @olivia08, ang mahal kong ina. Wala man siya sa tabi namin pero buong pagmamahal niya ibinigay ang lahat hindi lang financial kundi buong pagmamahal.

inbound4777195087875911274.jpg

Naalala ko ang huling bakasyon ni mama ko. Dito kami namamasyal sa tabing dagat inikot ko siya dito . Tueingbakoy dadaan dito , naalala ko ang akin ina.

Siya ang nag uudyok sa akin sa pagsali ulit dito sa steemit. Noong ako ay bumisita sa kanya sa Gitnsng Silangan, doon ako naging miyembro ng steemit.

Maraming salamat po sa lahat at sana au suportahan ninyo ako tulad ng pagsusuporta ninyo sa ina kong si Mama Deevi, @olivia08.

Gumagalang,
Dave

Sort:  

Welcome to the world of Steem!

If you want to get started right away, the following community could be of interest to you:


https://steemit.com/trending/hive-119463

You are also invited to take part in my daily delegation draws.
There are 100 and more SteemPower to be won every day.
100 SP can make the start much easier for newcomers in particular.
Here is the link to the current raffle:


https://steemit.com/hive-119463/@kryptodenno/dddd-77-dennos-daily-delegation-draw-incl-winner-of-69

I wish you a great time on our blockchain!

Steem on!

Yours @kryptodenno

 3 years ago 

Mabuhay at Maligayang Pagdating sa ating Steemit Philippines Community. Salamat sa iyong suporta at pagtitiwala, sana ay patuloy po kayong magbahagi nang iyong mga likha dito sa ating munting komunidad. God Bless!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 59198.54
ETH 3287.69
USDT 1.00
SBD 2.43