Diary Game Season 3 (11-13-2021) "Talunin ang Init sa Panahon ng Tag-init gamit ang Kiddie Pool" | 20% Goes to Steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw sa komunidad ng steemit lalo na sa #steemitphilippines. Hangad ko na ang lahat sa atin ay nasa maayos na kalagayan.

Ang COVID-19 ay malaki ang epekto sa ekonomiya sa buong bansa at lalo na sa galaw ng mga tao. Ang bata ay isa sa mga apektado lalo na sa paglabas nila.

IMG_20211113_132115.jpg

Dahil sa pagbabawal sa kanila na lumabas ng bahay, naisipan naming mag-asawa na bumili nga kiddie pool. Para naman sila mag enjoy kahit nasa bahay lang lalo sa panahon ng tag-init.

IMG_20211113_125742.jpg

Walang makakapigil sa mga bata pag gusto nila maligo, lalong lalo na sa kiddie pool. Mahilig ang aming anak maligo sa swimming pool kaya bumili nalang kami ng kids pool sa online store. Pag mainit ang panahon nagrerequest na siya na maligo sa kaniyang pool. Madali lang ito e-set up na pool. Nakakatuwa tingnan na masaya siyang naliligo. Dati kasi inaanyayahan lang siya ng kanyang kaibigan na sumabay sa kanila maligo sa pool.

IMG_20211113_140724.jpg

Malaking bagay na habang bata oa siya maaenjoy niya ang kanyang pagkabata. kaya araw- araw lalo na pagtapos na niya ang kanyang mga assignment sa school, hinahayaan na namin siya makipaglaro sa labas ng bahay namin kasama ng kanyang mga kaibigan.

IMG_20211113_135420.jpg

Ito ang mga kalaro niya. Sila ay kapitbahay lang namin. Tuwing hapon palagi silang naglalaro sa labas ng bahay namin. Minsan niyaya niya ang anak kung maligo sa kanilang pool. Ang tatay niya ay isang amerikano at pinay naman ang nanay. Ang kanyang kalaro ay marunong magsalita ng waray-waray, yan ang dialect dito sa Leyte.

Hnggang sa muli, sana nasiyahan kayo sa ibinahagi ko sa araw na ito.

Special Thanks:
#japansteemit
#steemitphilippines

I hope you enjoyed this post and thank you for stopping by!

God Bless!
@cchua

Sort:  
 3 years ago 

Yung mga anak din namin naliligo sa inflatable pool.

 3 years ago 

Thanks my friend

 3 years ago 

pati ako naliligo sa i.pool hehe, magastos lang sa tubig ba

 3 years ago 

Kitang kita ang kanyang happiness sa inflatable pool with his friends 😍🤩

 3 years ago 

Panguntra sa init ng panahon 😊

 3 years ago 

thanks😀

 3 years ago 

Youre welcome. 😊

 3 years ago 

Ang saya saya naman na may kiddie pool po sila. Tana nga naman dahil hindi makalabas at makapuntang magbeach or magswimming pool eh di dalhin ang pool sa bahay😄😄.
Ang saya saya maging bata talaga lalo kung may mga magulang na gagawin ang lahat sumaya lamang sila.

 3 years ago 

salamat sa support..

 3 years ago 

Gusto ko ligo jan pero baka mahubas ang tubig.hehehe

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 76361.02
ETH 2691.91
USDT 1.00
SBD 2.44