The Diary Game Steemit Philippines Community Contest Week 18 | Lomo: Waray Recipe /lutong Probinsya (09-06-2021)

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang araw sa mga manunulat dito sa komunidad ng steemit lalo na sa #steemitphilippines. Hangad ko na ang lahat sa atin sampo ng mga kasamahan natin sa pamilya ay nasa maayos na kalagayan

PhotoGrid_Plus_1630886891397.jpg

Sinimulan ko ang araw ng panalangin, Para sa protekyon ng aking mga minamahal. Sabi nga sa kasulatan palagi kayong manalangin, at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Ang Menung eto ay madalas eto lutuin lalo na dito sa amin probinsya. Simple lang an mga sangkap nito at madaling lutuin. Isa ito sa paboritong kung lutuin lalo na pag araw ng sabado. Eto ang inihain ko sa pamilya ko. Ang tawag dito sa amin ay LOMO: lutong waray. Masarap eto na ulam lalong lalo na ngayong tag-ulan.

Mga sangkap:
1/2 pork meat
2 bunches of pechay
peppermint leaves
2 whole medium size onion
4 cloves og garlic
2 green chillis
1 medium size bell pepper
1/2 tsp salt
1 tsp pepper powder
1 tsp fish sauce
2 tsp soy sauce

(45 to 50 minutes of cooking and preparation)

Paraan ng pagluluto:

IMG_20210828_084220.jpg

Nagpainit ako ng kawali tapos maglagay ng kaunting taba ng baboy para mag mantika. tapos yun na rin ang ginamit kung pang +gisa ng bawang at sibuyas.

IMG_20210828_084330.jpg

Pagkatapos igisa ang bawang at sibuyas nilagay kona ang karne ng baboy at saka hinalo.

IMG_20210828_084627.jpg

Makalipas ng tatlong minuto nilagay kona ang mga sangkap, gaya ng paminta, patis, tuyo at sin. saka haluin uli.

IMG_20210828_084828.jpg

Nilagay kona ang tubig at hinayaan ko eto kumulo sa loob ng labing limang minuto para siguradung na lutong-luto ang karne ng baboy. Pwedi rin maglagay ng dugo ng baboy.

IMG_20210828_083947.jpg

Paalala lang bago ilagay ang pechay ibabad muna eto sa tubig at lagyan ng isa hanggang dalawang kutsarang suka. Dahil hindi natin alam yung gulay na binili natin ay gumamit ng mga pataba, lalo na para sa dahon. Sa pamamagitan ng pagbabad sa tubig na may suka naalis eto yung mga pataba o insecticide sa kahit anung gulay.

IMG_20210828_085435.jpg

Nilagay ko na ang gulay na pechay pati ang pati ang bell pepper at siling haba. Malasa na eto at makalipas ang tatlong minuto inihain kona para di ma over cook ang gulay. Nagustuhan naman ng pamilya ko. Simpling luto lang ito lalo na pagnagmamadali ka at gutom kana.

Hanggang sa muli kaibigan, sana nasiyahan kayo sa ibinihagi ko sa inyo. Salamat sa #steemitphilippines community at sa mga sponsors sa contest na eto. Patuloy lang tayo magsulat at maging positibo sa buhay natin. pagpalain kayo ng ating mahal na Panginoon.

I hope you enjoyed this post and thank you for stopping by!😀

@caydenshan
ChYr1cJZCH5JkqXe3tdrNiB7sRxTnhdm6CFm8J2c3fftEJMdJtdywWnAJM5ZwWFByzSbnNZNUKNiPkS62U88Xq9BuRJdcZW9amscM3yCc3gKYLKou2WSAL5aP59JDRgrSUy6MHvCj1ShgqaGuTTD5iqATSNUmeGqgbkr2XPsTVkpvazFrbuZKXwSvRmCTx.png

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

God Bless po!!!

 3 years ago 

Luto hin waray food sir? Maupay na pagkakaluto ana. Saramat sa pagbahagi hin recipé 😊

 3 years ago (edited)

luto ini hin waraynon sir😀

 3 years ago 

Wow, maopay na hapon dida sir. 😊

 3 years ago 

Hello Sir @caydenshan 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong diary game contest sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para sa diary game contest sa linggong ito, week 18.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63277.26
ETH 2570.12
USDT 1.00
SBD 2.82