Steemit Philippines Community Photography Contest Week 3 |Pagpapalay- Sumasalamin ng Kasipagan mg mga Filipino (08-31-2021)

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw sa mga manunulat dito sa komunidad ng steemit lalo na sa #steemitphilippines. Hangad ko na ang lahat sa atin, sampo ng mga kasamahan natin sa pamilya ay nasa maayos na kalagayan.

IMG_20210831_091217.jpg
Throwback
Itong ibabahagi ko sa inyo ay kuha eto tatlong taon na nakaraan. Eto ay sa panahon ng tag-ani. Ang pagtatanim at pag-aani ng palay, eto ay naging kultura na ng mga filipino. Eto ay sumasalamin ng kasipagan ng mga ninino natin.

Dati kasi akong Rice trader at mayroon kaming tinataniman na palayaan na kabuuan na apat na Ektarya. Maayos ang amin kinikita noon dahil mahal pa ang presyo ng palay. Sulit yung ginagastos sa pagtatanim ng palay dahil malaki talaga ang tubo.

Nais mo bang sumubok sa negosyong palayan?
Pwedi mu ito subukan dahil pag-maayos ang pag-aalaga ng palayan marami kang maani at kikitain. kaya marami mga negosyante at magsasaka pinapasok ang negosyong eto. Yung iba naman di nagtatanim ng palay pero namimili sila at binibenta rin nila. Sa ganuong paraan kumikita sila ng malaki.

Sa Asia isa ang palay sa pangunahing pangangailangan, lalo na dito sa pilipinas ang palay ay pinakapangunahin pangangailangan ng mga filipino. Dumadaan ito sa proseso para maging bigas.

Sa isang taon, kadalasan dalawang beses lang dito sa amin ngtatanim ng palay, Bali dalawang beses din ang anihan. maghihintay ang magsasaka ng tatlo hanggang apat buwan bago ang anihan. May palay na tatlong buwan lang at may apat na buwan naman bago ang tag-ani. dependi eto sa Variety ng palay.

Preparasyon
Kailang tama ang preparasyon at pag-aalga, lalo na ang tubig dapat ay sapat. kasama diyan ang binhi at pagpupunla tapos ang pagaararo, pagsusuyod, pagpapatag at kasama na rin ang pagaayos ng mga pilapil. Syempre di mawawala ang pag- spray dyan para sa mga insekto dahil yan ang sumisira sa mga pananim. At ang pag-aabuno rin na pinaka mahalaga para mataba ang palay at sa ganun ay dumami ang bunga.

Sa larawan sa taas makita natin na hinog na ang palay at kailangan na dyan ang Harvester para madali matapos. mayroon naman pag aani na na tradisyonal mano -mano at ito'y matagal lang.

Pagkalkula
Ang isang ektarya na palayan ang gagastusin ay aabot ng 30k to 35k. Ang ani naman nito pag maganda ay aabot ng 100 kaban. At dependi rin eto kung anung klasing palay o binhi na itinanim.

Sa aking karanasan sa apat na ektarya ang gastos namin diyan ay aabot ng 75k to 80k. Pag maayos naman ang ani at ang net income ko diyan ay aabot ng 100k. kaltas na diyan yung mga gastos at kaltas na rin na 10% para sa nag-alaga.

Hanggang sa muli kaibigan, sana nasiyahan kayo sa ibinihagi ko sa inyo. Salamat sa #steemitphilippines community at sa mga sponsors sa contest na eto. Patuloy lang tayo magsulat at maging positibo sa buhay natin. pagpalain kayo ng ating mahal na panginoon.

I hope you enjoyed this post and thank you for stopping by!😀

@caydenshan

ChYr1cJZCH5JkqXe3tdrNiB7sRxTnhdm6CFm8J2c3fftEJMdJtdywWnAJM5ZwWFByzSbnNZNUKNiPkS62U88Xq9BuRJdcZW9amscM3yCc3gKYLKou2WSAL5aP59JDRgrSUy6MHvCj1ShgqaGuTTD5iqATSNUmeGqgbkr2XPsTVkpvazFrbuZKXwSvRmCTx.png

Sort:  
 3 years ago (edited)
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Culture
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/487 Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingNeeds Improvements
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme7
2. Creativity7
3. Technique7.8
4. Overall impact7.9
5. Quality of story8
Total Ratings/Score7.54
 3 years ago 

Wow, nagtataglay talaga ng kasipagan ang mga pilipino.

 3 years ago 

Hang galing naman ng experieced mo bilang negosyante ng palay.

 3 years ago 
Criteria for judgingPoints 1-10
1. Relevance to the theme7
2. Creativity7
3. Technique7.8
4. Over all impact8
5. Quality of story8
6. Total score7.6

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 57856.68
ETH 2352.26
USDT 1.00
SBD 2.43