Steemit Philippines Community Photography Contest Week 2 | "Family Bonding At The Park"

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang araw sa ating lahat muli nais ko kayong kumustahin. Sana nasa maayos na kalagayan at may maayos na pangangatawan. huwag lang tayong makalimot manalangin at alam ko ang proteksyon ng dyos ay nandyan palagi.

IMG_20210816_110618.jpg

Itong ibabahagi ko sa inyo ay nangyari eto noong nakaraang buwan. Alam namn natin na madalang lang lumabas ngayon para mamasyal at yung ibang lugar nga bawal talaga. Dito sa amin pinapayagan naman lumabas ang mga bata basta kasama ang mga magulang.

Napagkasunduan namin pumunta ng Parke. Ang pangalan ng parkeng eto ay "McArthur Park'' sa leyte eto. Ang kadahilanan ng pagpunta namin ay nababagot na ang mga anak namin na palagi nalang sa bahay, para maiba nmn ang lugar at makapaglaro sila at makapag ehersisyo. Salamat sa dyos na maganda ang panahon at hindi umulan sulit ang pagpunta namin.

Ang parke na eto ay medyo malapit lang sa amin minsan nga nilalakad lang eto namin ng misis ko. kung sasakay namm isang sakayan lang. Tuwing hapon marami ang pumupinta doon para mamasyal at kumain dahil marami din doon kainan, at maraming din pweding mabili na pagkain. Ang park na eto ay nasa tabing dagat lang presko ang hangin. Pwedi rin dito mag overnight dahil mayroon din itong hotel sa tabi lang ng park. at pwedi rin maligo sa dagat at pool.

Tuwang tuwa ang mga anak ko na nakapaglaro sila. Noon na wala pang covid madalas kaming punta sa nasabi kung parke. pero ngayon isang beses nalang sa isang buwan kasi kailangan din magingat. Naniniwala ako sa darating na taon ang pandemic na eto ay mawawala na. Palagi kaming nananalangin at sa deklarasyon namin na maging normal na ang kalagayan natin. kailangan lang ang bawat tao magpakumbaba at magsisi at bumalik sa lresensya nya, at malaman ng tao na ang kanyang salita at sya ay iisa. ibig kung sabihin na tayo ay mamuhay ayon sa salita nya dahil yan angnkanyang kaloooban sa atin. labas sa kanyang kalooban ang tao at bansa ay napapahamak.

Hanggang sa muli. Salamat sa steemit community at sa mga sponsors sa contest na eto. Sana patuloy lang tao magsulat at maging positibo sa buhay natin. pagpalain kayo ng ating mahal na panginoon.

I hope you enjoyed this post and thank you for stopping by!😀

God Bless!
@caydenshan

ChYr1cJZCH5JkqXe3tdrNiB7sRxTnhdm6CFm8J2c3fftEJMdJtdywWnAJM5ZwWFByzSbnNZNUKNiPkS62U88Xq9BuRJdcZW9amscM3yCc3gKYLKou2WSAL5aP59JDRgrSUy6MHvCj1ShgqaGuTTD5iqATSNUmeGqgbkr2XPsTVkpvazFrbuZKXwSvRmCTx.png

Sort:  
 3 years ago 
PanuntunanPuna
1. Theme
2. Verified
3. Proper Title
4. Posted on Steemit Philippines
5. Only 1 photo
6. Proper tagging/steemexclusive
7. No. of words375
8. No. of entries2
9. Plagiarism ratepassed
10. Curators rate8.4
 3 years ago 

Good morning thank you na lagi kana nag po post ,

 3 years ago 

uu nga😀 di masyado busy..salamat sau mother.

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsali sa ating pinaka bagong Photography Contest Week 2.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account.

@steemitphcurator

God Bless po!!!

 3 years ago 

I love the close up view seeing the gladness of the kids that they were able to roam around despite of what's happening now. Yet, you were all still taking precautions. With these family bonding moments, the facial expressions of the people in the photos should always be evident. Thank you for joining and sharing.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 68523.63
ETH 3260.51
USDT 1.00
SBD 2.66