Diary Game Season 3 (10-13-2021) "Healthy Family Meal "

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

IMG_20211013_110909.jpg

Mapagpalang araw sa mga manunulat dito sa komunidad ng steemit lalo na sa #steemitphilippines. At sa admin na si @loloy2020. Hangad ko na ang lahat sa atin ay nasa maayos na kalagayan lalo na ang bawat pamilya natin.

IMG_20211012_164307.jpg

Ang ibabahagi ko sa araw na ito ay ang pagluluto ko ng Ginisang Ampalaya at iba pang ulam para sa pamilya ko. Ito ay simpleng lutong bahay lang. karaniwan niluluto ito ng bawat pamilya. Dati hindi ako kumakain ng gulay na ito, ngayon isa na ito sa paborito kung lutuin. Marami ang benepisyo ng gulay na ampalaya isa na rito ay nakakapagpatibay ito ng immune system, sinasabing maigi din ito sa pagkakaroon ng maayos na sleeping pattern at pag alis ng toxins sa ating dugo.

IMG_20211012_161525.jpg

Ito ang mga sangkap na ginamit ko sa pagluluto ng ginisang ampalay, sibuyas, bawang at bell pepper.

IMG_20211012_153741.jpg

Nilagyan ko rin ito ng karne ng baboy para malasang malasa siya. hiniwa ko lng ito ng malilliit. sa ganitong paraan halos dimu ma maramdaman ang pait pagkinain muna ito.

IMG_20211012_153904.jpg

hiniwa ko lang ang gulay na ampalaya ng katamtaman lang para madali lang ito maluto. Tandaan natin, ang pagluluto ng ampalaya ay sandali lang di dapat ma over cook siya.

IMG_20211012_162900.jpg

Sa parteng ito nag painit na ako ng mantika sa kawali at ginisa ko narin yung bawang at sibuyas tapos sinabay ko na ang karne ng baboy. tinimplahan ko na eto ng tuyo pagka tapos nilagyan ko ng pamintang durog, at nilagyan ko rin ito ng kaunting tubig para di matuyo.

IMG_20211012_163602.jpg

Pag malambot na ang karne ng baboy pwedi na ilagay ang ampalaya at eto ay haluin lang ng bahagya. kagaya ng sinabi ko madali lang iyo maluto. Mas masarap pag hindi oveecook eto.

IMG_20211012_153841.jpg

Ito naman ay tinatawag na White Marlin na isda, tinimplahan ko lang ito ng asin at durog na paminta. hinayan ko muna ito mg limang minuto para maabsorb ang asin at paminta, bago ko ito prituhin.

IMG_20211013_074738.jpg

Ang pagprito ng ganitong isada di kailangan sobra ang pagkaluto dahil tumitigas minsan ang laman. Dapat tama lang ang pagkakaluto nito. Napakasarap ang isda na ito kaya medyo mahal sa merkado. Pwedi rin ito sa sinigang malasang malasa ang sabaw nito pag ito niluto.

IMG_20211012_153920.jpg

Nagluto rin ako ng ulam na paborito ko ng mga anak ko ito ay fried chicken hiniwa ko lang ito ng maliit para maluto kagad, nilagyan ko muna ito ng lemon para mawala ang lansa tapos tinimplahan ko na ito ng kaunting asin, pamintang durogay itlog, at ang crispy fry na origial. hinayaan ko muna ito ng sampung minuto bago ko ko ito niluto.

IMG_20211013_074716.jpg

Ready to serve na at masarap ito kainin pag mainit pa. pag ganito ulam namin napapadami ang kain talaga ng mga anak ko.😀

Hanggang sa muli. Salamat sa steemit community at sa mga sponsors sa contest na eto. Patuloy lang tao magsulat at maging positibo sa buhay natin. Pagpalain kayo ng ating mahal na panginoon.

Sana nasiyahan kayo sa ibinahagi ko sa inyo sa araw na ito at salamat sa iyong pagbisita.

God Bless!
@caydenshan
ChYr1cJZCH5JkqXe3tdrNiB7sRxTnhdm6CFm8J2c3fftEJMdJtdywWnAJM5ZwWFByzSbnNZNUKNiPkS62U88Xq9BuRJdcZW9amscM3yCc3gKYLKou2WSAL5aP59JDRgrSUy6MHvCj1ShgqaGuTTD5iqATSNUmeGqgbkr2XPsTVkpvazFrbuZKXwSvRmCTx.png

Sort:  
 3 years ago 

Hello sir @caydenshan 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong diary post sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 20 ng Diary Game Contest.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong masarap na recipé sir. Nagutom tuloy ako sa post nyo po 😁

 3 years ago 

wow, napaka healthy naman ng ulam natin dyan sir!

 3 years ago 

Thank you bro sa pagbisita.

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Dairy Game post.

Para po sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Contest Alert: Diary Game Week 20

Greeting from Admin
@loloy2020

God Bless po!!!

 3 years ago 

Magutom ako mading araw pa dito

 3 years ago 

oo nga pala.. advance 5 hrs dito sa pinas tama ba? kung 8am dto 3am dyan.

 3 years ago 

kalami ug ka healthy aning mga sud ana sir!!

 3 years ago 

thanks😀

 3 years ago 

Ang dami nyong ulam @caydenshan at mga masasarap pa.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 64852.72
ETH 3178.07
USDT 1.00
SBD 4.20