Diary Game Season 3 (09-30-2021)" Nature Acrylic Painting"

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

IMG_20210930_173433.jpg

Magandang araw sa mga manunulat dito sa komunidad ng steemit lalo na sa #steemitphilippines. Hangad ko na ang lahat sa atin sampo ng mga kasamahan natin sa pamilya ay nasa maayos na kalagayan.

Ang nais ko ibahagi sa araw na ito ay ilan sa mga pininta ko na gawa sa acrylic paint. Habang tinitingnan ko ang Gallery ng aking cellphone nakita ko itong picture at naalala ko na itong painting ay ginawa ko noung bago palang ang pandemya, dahil madalas lang ako nasa bahay. Gusto ko maging makabuluhan ang araw ko kaya ito ang ginagawa ko madalas. kaya palagi ako nauubusan ng canvas. kahit madalas ako sa bahay kumikita ako dahil marami ang bumibili ng mga obra na ginagawa ko. katunayan ang nakabili ng painting na ito ay isang Frontliner na nagtratrabaho sa pinaka malaking hospita dito sa amin, siya rin ay katrabaho ng misis ko sa isang department sa hospital. Mahilig din siya sa Art lalo na tungkol sa Nature kaya siguro nagustuhan niya itong ginawa ko.

IMG_20210930_174701.jpg
Eto naman ang ginamit ko na paint ay Maries acrylic paint, mura lang ang medium na eto at madali gamitin. Maganda ito para sa mga nag-uumpisa pa lamang matutong gumuhit at madali rin matuyo eto dahil ito ay water base.

FB_IMG_1632992944285.jpg

Maliit lang ang ginamit na canvas ko dito, ang ginamit ko na medium ay maries acrylic paint din. maliban na madali ito matuyo ito ay madali rin hugasan ang mga ginamit kung brush. Ang isang obra mas lalo ito maganda kung naka frame na ito. Malaki rin tulong ang frame sa isang obra dahil ang painting ay mas lalong lumulutang at tumitingkad.

Hanggang sa muli. Salamat sa steemit community at sa mga sponsors sa contest na eto. Patuloy lang tao magsulat at maging positibo sa buhay natin. pagpalain kayo ng ating mahal na panginoon.

I hope you enjoyed this post and thank you for stopping by!

God Bless!
@caydenshan

Sort:  
 3 years ago 

Hello Sir @caydenshan 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong diary post sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 19.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

Ang ganda naman ng mga arts nyo po sir. Mahilig din ako sa arts at pagpinta pero hindi ko alam kong paano ang combination mg colors. 😁

 3 years ago 

Mayroon bro tutorial sa youtube about mixing colors.

 3 years ago 

Sige po Sir, try ko mag visit. Salamat po 😊

 3 years ago 

Great work Sir! Thank you for sharing your talent here sir.

Noong bata ako gustong gusto ko rin magdrawing ng mga ganito. Pero ngayon d ko na nagagawa.

 3 years ago (edited)

Thank you @me2selah

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 57158.90
ETH 2411.82
USDT 1.00
SBD 2.28