#club5050- The Diary Game (March 31, 2022) Popsicle Craft, My Son's Art Project | 20% Payout Goes To @steemitphcurator
Mapagpalang araw sa atin lahat lalo na sa komunidad ng steemitphilippines. Hangad ko na nasa maayos na kalagayan kayong lahat lalo na ang kalusugan ng bawat isa.
Ito ang Ginawa ng anak ko na Art Project nila sa school, tinatawag ito na "Popsicle Craft" Ang ipipinta nila sa art na ito ay isang beach o dagat. Napaka gandang aktibidad ito para sa mga mag-aaral para sa pag-unlad ng kanilang mga kasanayan at mga talento.
Ang nilalaman ng blog na ito, Panu gumawa ng isang seascape sa pamamagitan ng popsicle stick gamit ang acrylic paint at dalawang klase na brush.
Materials:
• popsicle stick
• Glue and Shoelace
• Glue Gun
• Burnt Sienna
• Grass Green
• Titanium White
• Yellow Ochre
• Cobalt Blue Hue
• Lemon Yellow
• Round brush - #8 / 5/32" / 4.0mm
• Flat Brush/small - #10, 10/32 / 8.0mm
Gumawa muna kmi ng flatform gamit ang Glue Gun. Ang flatform ang magsisilbing canvas. Tinulungan ko siya para mabuo ito dahil dilikado para sa bata ang pag-gamit nito. kailangan ng gabay ng mga magulang para maiwasan ang anumang disgrasya.
Iginuhit muna niya ang kanyang pangalan sa taas ng beach gamit ang round brush. Ang pinaka Base niya dito ay ang dalawang popsicle stick na kinulayan ng blue.
Pininturahan niya ang ng blue and white ang background at naglagay din siya ng mga ulap. Sa pagpinta niya ng background gumait siya ng flat brush at round brush naman para sa mga ulap.
Sa parteng ito naglagay siya ng bundok sa gitna ng canvas o tinatawag na middle ground. Ang gamit niya dito ay Grass green, lemon yellow ang yellow ochre. Para mas maging maliwanag ang beach na ito gumuhit din siya ng araw at ganun din ang reflection sa dagat, ganoon din ang alon sa dagat para makadagdag ng detalye. Syempre pag beach mayroon puno ng niyog at mga ibon sa malayo.
Para maisabit nilagyan ito ng shoelace. Pwedi na rin ito pandesplay sa bahay. Marami pwedi gawin sa popsicle stick bilang isang art craft. makakatulong pa tayo sa kapaligiran para mapanatili ang kalinisan ng ating komunidad. Sa halip na itapon gawin itong materyales para sa art.
Sana nasiyahan kayo sa art ng anak ko. hanggang dito nalang.
God Bless!
@caydenshan
Ang galing naman ng anak, may pimagmanahan. Congrats talented din kagaya ng ama.
Hang galing Manang mana sa ama Ang talent.
Magandang umpisa pra sa mga kabataan Hindi puro gadgets Lang 🙂
Tama @sarimanok
ka super nice sa output oi, naa jud kay future sa painting bb🙂
Thank you @fabio2614
Ang galing ni kuya!
Thank you @me2selah
Manang mana sa sa iyo sir.
Thank you sir @juichi😄😊
Future Steem artist sir.;)