SA PAGPATAK NG ULAN |TAGALOG POETRY|20% to steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago

Sumasayaw ang dahon sa saliw nang musikang siya lang may alam.
Sa bawat pag-ihip nang hanging malamig,napahawak itong kamay sa kumot na tanging kapiling sa magdamag.Nakita yaring mga mata mga ibong paroon at parito naghahanap nang masisilungan sa nagbabadyang pagpatak ng ulan.

Makulimlim na ang kalangitan at nakayuko na ang dahon nang punong marangal.
Unti-unting bumabalot ang dilim sa luntiang kapaligiran.
Kinang ni haring araw di na masisilayan,amoy nang umaga ay nagbabadyang ulan.

Gumuhit ang matulis na kidlat sa kadiliman,nagpapaalala ng bangis ang kalangitan.
Nakakagimbal na kulog ang sumunod,nagpahiwatig ng kapangyarihang di kailanman matumbasan.
Tanging nagawa ko lang ay humigpit nang kapit sa telang nagbibigay nang panandaliang init.

Pumatak na ang malakas na ulang di kailan man mapipigilan.
Kasama nito ang pag-agos nang nararamdamang kinimkim sa kaibuturan.
Sa gitna nang kahinaan may mainit na nagdaan sa pisnging may kalamigan.
Mga luha'y di na napigilan dahil sa pagragasa nang sakit na nararamdaman.

Sa bawat patak nang ulan,sumasabay ang bugso nang damdaming di na napigilan sa pagkawala sa bibig nang katahimikan.
Sa bawat tunog nang patak nito may paghikbing sumasabay,mga alaala nang kahapong di kailanman kinalimutan sumisigaw,kumakawala sa pinagtagoang kahon nang isipan.

Pagdaan nang oras ay di namalayan,nakatayo na pala sa gitna nang ulan.Iniwan na ang telang nagbigay nang panandaliang init sa katawan.
Hinahayaang kalamigan nang ulan ay dumaloy sa katawan sa kagustuhang sakit ay kanyang mahugasan.
Pero alam nitong isipan na sa pagtila nitong ulan ang sakit ay mananatili lang tanging nagawa lang nito ay maikubli sa mundo ang mata nang taong nasasaktan na tanging panahon lang ang makahihilom nang sakit na nararamdaman.

Rainy-Days-Magdalena-Martin-Photography-Notebook-1.jpg
IMAGE LINK


I just wanted to share these poem I made earlier inspired by the rain,its been raining since I woke up and it give me a different feels that I channel and express through poetry,hope you like it.

IMG_20211004_113912.jpg

IMG_20211004_113840.jpg

...thank you for dropping by😊

@carine1988

Sort:  
 3 years ago 

Mapapaisip ka talaga ng malalim habang pumapatak ang mahinang ulan. Samahan pa ng mainit na kape. Hehehe..ganda ng tula.

 3 years ago 

..maraming salamat sa pagbasa @amayphin 😊

 3 years ago 

Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong post.

Sa karagdagang impormasyon, pakibisita po ang ating Community Account at ibang mga Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 60943.34
ETH 3387.52
USDT 1.00
SBD 2.57