"The Diary Game Season 3, Week #13 (July 16, 2021) | Preparation for my Daughter's New Journey in Life"

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang Gabi po at Mabuhay sa lahat ng mga kababayan kung Steemians, lalo na sa lahat ng active members ng ating Steemit Philippines Community.


IMG_20210716_203052.jpg

Hello po, @bellekiss-31 po, masayang magbabahagi ng aking araw araw na byahe sa buhay, hanggat maari po sana ay magkaroon ako ng maraming pagkakataon na maka bisita sa Steemit.

By the way Bisaya po ang aking dialect kasi taga Cebu po ako, kaya po nitong mga nakaraan normally English po ang post ko kahit sa ating community, kahit medyo hirap din, alam niyo na baka magkamali, hehe! Pero ngayon po sinubukan ko po sa unang pagkakataon ang ating Pambansang Wika, ang Tagalog, first time hindi dahil sa hindi ko ipinagmamalaki ang ating wika, ito ay dahil po takot din po akong magkamali, para po sa aming mga Bisaya, hindi lang po sa English dumudugo ang ilong namin pati din po sa tagalog, haha! kidding aside. Tinatanggap ko po ng buong puso ang ano mang feedback kung sakali man dahil hanggat maari sa Tagalog na lengwahe ko na ibabahagi ang aking Diary Game entry, intindihin nyo nalang po sana ang TagLish ko, Maraming Salamat po in advance.

Maganda din naman po na ma express mo ng mabuti ang iyong saloubin. Sa araw na ito po maliban sa daily routine ko na sa trabaho may mga bagay din naman na hindi ko usual na ginagawa.

IMG_20210716_204642.jpg

Kahapon po ay ang Virtual graduation day ng aking unica iha na si Riannah Jane na share ko po ang achievement na iyon sa Steemit din. Grumadwet na sa ika 6 na baitang ang aking anak na dalaga kahapon, at ngayon pong araw na ito bumisita po ako sa kanilang paaralan dahil naka schedule pong ipamimigay na nila ang mga grado, good moral, diploma at medal na nakuha nya kahapon sa FB Live, Mactan Elementary School Virtual Graduation Rites 2020-2021.

Dahil malapit lang ang school nila sa aming opisina, nilakad ko lang mula opisina hanggang sa kanilang paaralan at pabalik na naman sa opisina, ginamit ko lang ang aking lunch break para makuha ang lahat ng papeles ng anak ko, bilang paghahanda niya sa Sekondarya o High School.

IMG20210716163236.jpg
Nakakatawa pong isipin mga kaibigan na kahapon lang po ang graduation day ng anak ko at ngayong araw na ito din ay handa na ang lahat ng kanyang mga dokumento para sa enrolment niya sa susunod na pasukan. Mula sa kanyang Diploma, sa Card at Good Moral nakahanda na talaga lahat, samantalang dati noong aming kabataan pahirapan pa talaga sa bawat baitang bago mo makuha ang mga ganitong documents, at pa isa-isa pa, minsan kailangang may clearance ka muna na papirmahan sa lahat ng subject teacher mo, at lahat sila pa iba-iba ng requirements para sa bawat pirma at walang isang bagsakan sa panahon noon, minsan din mauuna mong makuha ang Diploma, susunod ang Cards at huli ang Good Moral, talaga ngang New Normal na ngayon.

Pwde pong mag react ang mga nakaka relate na kagaya kong mga batang 80's at nakapagtapos sa mababang paaralan malapit sa aming lugar nuon.

Maraming Salamat po for spending your time sa pagbabasa, Hope you have a Wonderful Night po.

Stay Safe and Healthy Everyone!

Love & Care 💗 @bellekiss-31!
received_314598630159213.webp
gPCasciUWmEwHnsXKML7xF4NE4zxEVyvENsPKp9LmDaFuzqYucNDVEeVjneX5REAXg5qRKzgSqP9WQ29iY5hyacTyR3cYm3UKdSvBehsJyMewi4ydZqgNtP2bRnvn5vMcKtm3WXNSUSRkVEzFF.gif

Sort:  

I read all of it by using google translation.
By the way, I want to study Tagalog language with you (through your post)
❤😊😍🥰

 3 years ago 

Wow good to hear you're interested to learn our language. Hope you'll like it. Till next time. Thank you!

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.031
BTC 62261.29
ETH 2614.53
USDT 1.00
SBD 2.56