Unang Pagpapakilala

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang gabi, masaya ako na may ganito pala na grupo ng mga pinoy sa platform na ito. Ilang araw lang ang nakakaraan noong gumawa ako ng account dito dahil sa impluwensya ng aking mga kaibigan na sina @jessicas @neihy05 at @sabhy05. Lagi silang nag-uusap usap tungkol dito kaya naman naisipan ko rin na makiisa.

Ako po si Mark, Mac ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko. Ako po ay isang IT support sa isang pribadong kumpanya sa Malabon. Hilig ko ang musika mula bata palang ako. Highschool palang ako ay bumuo na ako ng banda na ang tanging pangarap ay makapag perform sa mga entablado sa lugar namin. College naman ako noong napasok sa banda na tumupad pa sa mas malaking mga pangarap ko. Dito ay nagsimula kami sa mga gig na imbitasyon ng ibat ibang mga bar, nakapag release ng sariling mga kanta at ma-feature sa mga magazine.

167174247_940660536760701_4007995204594111370_n.jpg

Ako ay bahista o bassist. Dala na rin ng mga kaibigan ko sa industriya, natuto din ako sa ibang pang instrumento gaya ng drums at piano. Lumawak din ang kaalaman ko sa recording at iba pa.

167084537_753771451949659_4223473180684020891_n.jpg
(Luma na po ito hehehe.)

Bukod sa pagtugtog ay skateboarding din ang hilig ko. Tuwing walang pasok sa trabaho ay ito ang pinagkaka-abalahan ko.

165517352_821780791879866_258146489623158278_n.jpg

Sana po ay magkaroon ako ng mga kaibigan dito. Salamat po.

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa iyong suporta at welcome sa ating community. Sana ay ipagpatuloy mo pa kasama nang iyong mga kaibigan ang pagbahagi nang inyong mga liksa sa ating community.😇

 3 years ago 

Salamat po.

Mabuhay ka Kapatid na Mark

 3 years ago 

Yown!

 3 years ago 

Welcome Brother!

 3 years ago 

ML na brother

 3 years ago 

Welcome aboard baby boy! 🖤

 3 years ago 

Welcome to Steemians community bro...

 3 years ago 

Thank you bro

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.13
JST 0.026
BTC 57383.94
ETH 2450.29
USDT 1.00
SBD 2.40