The Diary Game Season 3: 09-Oktubre-2021 - Natigil Sa Trabaho, Gumawa Ng Pangkabuhayan

in Steemit Philippines3 years ago

Ang katamaran ay dapat walang puwang sa ating buhay. Kahit ano pa man ang maranasan nating pagkalugmok ay muli tayo bumangon at maghanap ng pagkakakitaan.

244542669_385038446434705_6077355020518355251_n.jpg

Ako ay nag resign sa call center mahigit isang buwan na ang nakakaraan. Ako ay muling nag apply sa iba't ibang kompanya at hanggang ngayon ay manpower pooling pa lang sila. Habang ako ay naghihintay ng tawag kung kailan ako magsisimula ng training ay sinubukan kong mag traditional business at kumuha sa aking mga naipon sa pagta-trabaho bilang puhunan.

Ang pagluluto ay isa kong kinahiligan simula ako ay bata pa kaya gagawin ko din itong hilig ko at dito din ako masaya kahit mahirap.

Bawat araw ay iba't ibang putahe ang aking hinahain para sa mga customers ko. Sa ngayon ay miryenda lamang ang aking ginawa. Sana magustuhan nyo po itong aking paglalathala.

4:00 AM
Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw ay ako na ay nagigising kasi madaming pumapasok sa trabaho at gustong mag almusal at malalaman ang kanilang tiyan bago sumabak sa kanilang pang araw araw na gawain. Masasabi ko din na ang pangkabuhayan kong ito ay nagiging daan sa pag unlad ng ating ekonomiya dahil katulong ako sa pagpapalakas ng mga pwersa ng mga manggagawa dito sa aming lugar. (Workforce)

Ako ay nagluluto ng mga almusal at sa susunod ay ito ang aking ibabahagi. kadalasan ay tapsilog, longsilog ang aking inihahain. Meron din lumpiyang toge at giniling na karne.

6:30 AM
Pagsapit ng ganitong oras ay wala na halos pumapasok sa trabaho ngunit ang aking mga parokyano naman ay mga nanay sa bawat tahanan na gumigising na at magsisimula na mag almusal para sa kanilang mga pamilya, lalo na ang kanilang mga anak na anumang oras ay gigising na.

9:00
Ako muna ay magpapahinga hanggang alas onse ng magtatanghali. Nasa akin din yun kung gusto ko mag luto ng puwedeng ulamin sa tanghalian pero sa ngayon ay hindi muna ako nagluto, bagkus, ako ay nag prepare para sa meryenda sa hapon na siya namang malakas ang benta.

Fast forward ng kaunti sa bandang alas-dos ng hapon:

Ako na ay naghahanda para sa mga aking ibebenta ngayong araw na ito.

Talagang naka lathala sa aking pang isang-Linggong Menu na Burger ang aking ihahanda para sa araw na ito sa Meryenda.

Uso sa ating mga Pilipino na pagsapit ng hapon ay tayo ay kakain at ito ay parte na ng ating buhay pagkatapos ng siesta. Ito sa Ingles ay ay In-Between-Meals

Atin pong tunghayan kung paano ko ito ginawa:

244576229_876187163034210_1312518378234622388_n.jpg
Ang aking finished product na burger

Ako din po ang nag pre-prepare at nagluluto at sinisigurado ko ang kalinisan at kaayusan ng lahat ng kagamitan at ng aking working area.
244486505_3977331799034139_2292178897941512169_n.jpg
Isa pong patunay na sa business na ito ay dapat hands-on talaga tayo.

244422443_1082463032291464_7603611840388105432_n.jpg
Makikita na dapat malinis ang kapaligiran pati ang mesa upang hindi ito pamugaran ng mga lumilipad na nilalang na may dalang mga bacteria.

Mga preparasyon at pagluluto
244192062_400303178296806_7679251825436207298_n.jpg
Ang pagluluto tuwing may customer na bibili

Pinapainit ko ang buns o ang tinapay, piniprito ko ang beef patties na ako din gumagawa (ilalathala ko ko ito kung pano ko ito ginagawa sa susunod).

Ang itlog ay piniprito ko din sa hulmahan para ito ay hindi kumalat.

Hindi masyadong prito ang itlog para ito pa din ay malinamnam. Pag tinanggal ko ang hulmahan ay eto na ang makikita.

243938628_434276914698919_7340628415425934057_n.jpg
Kasama na ang mayonaise at ketchup, medyo kumalat ng kaunti yung itlog.

Lalagyan ko ng cheese at lettuce! Ready to serve!

245043891_3058488384439928_5445123063262701740_n.jpg
Close up para makita natin ang nilalaman.

Presyo = 45 Pesos

Ayan po ang burger na kasama sa menu ng aking bagong pangkabuhayan. Sa tanghali kung hindi ko gusto magluto ay nagagawa ko. Hindi ako puyat pero pagod sa pisikal.

Ganun din naman sa Call center, pagod kami sa pisikal kung utak at buong senses namin ang gumagana. Naiistress pa kami sa mga targets ng aming tinatawag na metrics.

Sa isang araw na kinikita namin sa call center ay 2,000 pesos pero ang gastos pamasahe kung kami ay on-site ay nasa 500 pesos kasama na ang pagkain.

Sa isang araw sa aking pangkabuhayang ito ay pareho lang din ng kinikita sa almusal at sa meryenda lamang!

Budget / puhunan = 600 pesos
Benta (45 x 30) = 1,350
Tubo / profit = 750

Ito po ay meryenda lamang at wala pa ang almusal.

Sana po ay may natutunan tayong lahat na bumasa sa aking paglalathala ng aking diary game.

Aking nai-set sa 20% ang @steemitcuratorph bilang beneficiary ng aking blog.

Maraming salamat sa pag welcome sa akin at marami akong natutunan sa pag format na binigay ni @kneelyrac.
Ako din po ay nagpapasalamat sa aking matalik na kaibigan na si @fycee sa pag pursigi sa akin na sumali at maging aktibo sa Steemit-Philippines at naisip daw niya na madami akong magandang karanasan na puwedeng ibahagi.

Ako po ay lubos na tumatangkilig sa ating komunidad at pagpasensyahan nyo na ang aking ginawang paglalathala kung ito man ay hindi ganun kagalingan. Ako po ay nagsisimula pa lamang at ako ay lubos na tumatanggap ng mga suhestiyon para mapaganda ang aking mga sumusunod na kuwento.

Lubos na gumagalang,

@avelicac

Sort:  
 3 years ago 

totoo naman, walang puwang ang katamaran!
salute to you kapatid,,, sana mas dumami pa ang iyong loyal customers 🥰...
nga pala, be careful po sa pag put ng beneciary sa payout... mali ata ung na-add mo... @steemitphcurator dapat 😳😁

 3 years ago 

Asan yung lettuce? Hahaha
Nice one chi. Pwede na. Good luck ulet sa journey mo dito sa steemit. Until your next posts.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 61168.42
ETH 2363.94
USDT 1.00
SBD 2.58