THE DIARY GAME SEASON 3 |WEEK 17| (08-23-21) ANG AKING UNANG KARANASAN SA PAGLULUTO NG HALO-HALONG GULAY

in Steemit Philippines3 years ago

Ako po ay nagsasabing, Isang magandang gabi po sa inyong lahat!

20210819_125433.jpg

Alas 12:00 ng tanghali, magluluto sana si mama ng ulam namin para tanghalian ng bigla kong naisipan na magpaturo kay mama sa pagluluto. Gusto kong subukang magluto sa kusina. Gayunman pinayagan ako ni mama pero nandiyan siya sa tabi ko para turuan ako sa pagluluto. Ang lutuin ko ay isang halo-halong gulay. Nabili ito ni mama sa suki niya ng gulay. 20.00 pesos lang ang halaga nito at meron na kaming hiniwa na kalabasa, hiniwa na repolyo, hiniwa na okra, hiniwa na gabi, hiniwa na sayote at hiniwa na batong. Sa tuwing nagluluto si mama nito kasi paborito namin ito, parang napakadali lang tingnan. At ngayong nasubukan ko na mahirap din pala lalo na sa katulad kong baguhan pa lang nag-aaral sa pagluluto.

Ito ang mga kailangan kong sangkap sa lulutuin kong ulam ngayon:

20210819_121832.jpg

•Halo-halong gulay
•mantika
•toyo
•asin
•seasoning
•kalahating pitsel ng tubig
•bawang
•sibuyas

Ang mga sunod-sunod na proseso sa pagluluto ng Halo-halong gulay:

20210823_202509.jpg

20210823_202555.jpg

  1. Sindihan ang kalan.
  2. Ilagay ang kawali.
  3. Pag mainit na ang kawali ilagay ang saktong dami ng mantika.
  4. Kapag mainit na ang mantika ilagay ang sibuyas tapos isunod ang bawang.
  5. Ilagay na ang halo-halong gulay at takpan.
  6. Pagkatapos ng tatlong minuto haluin ito at lagyan ng kaunting toyo.
  7. Pagkatapos ibuhos ang kalahating pitsel ng tubig.
  8. Kapag malambot na ang lahat ng gulay lagyan ng kaunting asin at seosoning.
  9. Takpan ulit at maghintay ng tatlong minuto.
    Pagkalipas ng tatlong minuto tikman ito at kapag tama na ang timpla pwede nang iahon sa kalan ang kawali at pwede na itong kainin. Handa na kaming lahat para kumain ng tanghalian.

received_233659641864674.jpeg

Ilang oras pagkatapos naming kumain naisipan naming lumabas ng bahay at mag selfie sandali sa ilalim ng araw. Nais rin naming mag selfie kasabay ang bunso naming kapatid na lalaki. Dahil gusto niyang ipakita sa aming lolo ang bago niyang gupit. Sinamahan kasi siya nila mama noong isang araw sa pagupitan. Masyado na kasing pangit tingnan ang buhok niya. Masaya kaming nag bonding-bonding sa labas kahit napakainit. Sa tingin ko hanggang dito na lang ang diary ko ngayong araw. Marami pong salamat sa inyong pag bisita sa aking diary.

Mga steemians na kakilala ko ay sina ate @lailyn.lariosa, @noaj at kuya @nathan49. Sali po tayo sa pa contest dito sa steemit philippines.

Ang iyong batang steemian,
@autumnbliss

Sort:  
 3 years ago 

Hello, Autumnbliss!

Ang Diary Game entry mo pala ay kwalipakado para sa week 17.
Salamat sa pagbahagi ng araw mo, lalo na kung paano lutuin ang halo-halong gulay. Taga-Mindanao talaga ako at ang tawag namin diyan ay Sari-sari.

Good luck and God bless!

:)

 3 years ago 

Magandang araw po, maraming salamat po sa pagtanggap at pagbisita sa aking post.

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post na nasa week 17 ngayon.

Paki basa po ang updated rules and regulations.

God Bless po!!!

 3 years ago 

Salamat din po sa suporta.

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 69118.60
ETH 3805.70
USDT 1.00
SBD 3.71