THE DIARY GAME SEASON 3 ( 11-10-21 ) ANG AMING PANANGHALIAN || 20% goes to steemitphcurator
Magandang tanghali po sa inyong lahat. Ako na naman po ay nagagalak na magpasa ng aking diary para sa araw na ito.
Mga bandang alas 11:30, inutusan ako ni mama na magluto ng ulam para sa aming tanghalian. Sa akin galing ang ideyang sardinas na lang ang ulamin namin. Bumili ako ng isang latang sardinas sa tindahan. Nag makarating na ako sa bahay ay naisip ko parang may kulang. Kaya naman naisipan kung halu-an ng malunggay ang aking sardinas upang dumami.
Masyado kasing kaunti ang isang sardinas para sa amin. Kaya naman mas mabuting halu-an ito ng vegetables para healthy. Ito na sisimulan ko na upang makapananghalian na kami.
Mga Rekados:
Malunggay leaves
1 can Sardines
Seasoning
Mantika
Ahos
Asin
Napakasimple lang ng aking pagluluto. Sa kadahilanang kaunti lang ang aking nalalaman sa pagluluto kaya ito lang muna ang aking napiling lutu-in upang ibahagi sa inyo. Napaka afordable lang po nito. Kaya ito na ibabahagi ko na sa inyo ang aking paraan sa pagluluto ng sardinas na may malunggay.
Mga Paraan sa aking Pagluluto
Una: Pa-initin ang kaha sa stove.
Pangalawa: Maglagay ng kaunting mantika.
Pangatlo: Ilagay ang ahos sa kaha.
Pang-apat: Ilagay ang isang lata ng sardinas.
Pang-lima: Halu-in ang sardinas pagkatapos lagyan ng isang baso ng tubig.
Pang-anim: Takpan ito at maghintay na kumulo.
Pang-pito:Pagkalipas ng isang minuto, buksan at tingnan kapag kumulo na ilagay ang malunggay leaves.
Pang-walo: Lagyan ng kaunting asin at seasoning.
Pang-siyam: Pagkatapos ng isang minuto tikman ito.
Hayan, luto na ang aming ulam sa tanghali. Kumain na ako at isinabay ko na ang aking bunsong kapatid na lalaki.
Napakadali lang pong lutuin. Sana po ay nagustuhan niyo ang ibinabahagi ko ngayong araw na ito. Iniimbitahan ko sina: @chibas.arkanghil, @noaj, @natz04
Ito po ang iyong lingkod,
@autumnbliss
Napakaibait mong bata, ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabait mo sa iyong pamilya. Godbless you.
Maraming salamat po.
Walang anuman 😊enjoy posting.
This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue making quality posts here at Steemit Philippines Community. Remember to always follow the #club5050 rule for more chances of curators' upvote. Link
Show your support by delegating your steempower to our community.