THE DIARY GAME SEASON 3 (09-27-21) ANG AKING EKSPERIMENTO

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang umaga po sa lahat ng steemians dito sa ating komunidad.Nais ko pong ibahagi sa inyo ang mga kaganapan tungkol sa aking pag-aaral ng modyul.

received_1599236107135124.jpeg

received_238312998169307.jpeg

Noong mga nakaraang araw naging abala po ako sa aking mga module. Lalong-lalo na po sa Science Subject dahil po inatasan kami ng guro namin na gumawa ng isang eksperimento. Ito po ay ang eksperimento tungkol sa tinapay na ilagay sa loob ng tupperware o take out box at takpan ito hanggang ika-limang araw. Sinimulan ko itong gawin noong ika-22 ng Setyembre.

received_598988498012380.jpeg

received_1311754372579709.jpeg

received_1505201149825426.jpeg

Hindi naman po masyadong mahirap. Napakadali lang kaso noong mga nagdaang araw medyo maulan. Tapos yong eksperimento ko ay kailangan na ibilad sa araw yong isang take out box para matukoy mo ang resulta. Araw-araw ko itong ginagawa simula noong ika-22 ng Setyembre. Nagawa ko naman ng maayos ang aking eksperimento kasabay ng mga gabay ng aking mga magulang. At na penalisa ko na ang aking sagot. Ibabahagi ko sa inyo ang resulta ng aking eksperimento.

MY OBSERVATION:

20210925_142411.jpg

Kapag ibinalad mo sa araw ang take out box na may lamang tinapay at pinatakan ng sampung patak ng tubig at nanatiling nakasarado sa loob ng limang araw naninigas ang tinapay at mapawis ang loob ng take out box. Ngunit ang tatlong take out box naman na pareho rin doon sa isa kaso nga lang hindi ibinilad sa araw, nasa loob lang siya ng bahay hanggang limang araw ay nagkakaroon ng amag ang tinapay.

Napahanga ako sa aking napag alaman. May aral ako na nakuha base sa eksperimento kong nasagawa. At na reyalisa ko na kapag mayroon tayong tinapay na di agad nauubos huwag natin itong isara ng maigi dapat may maliit na butas na labasan ng hangin. Dapat din natin itong iwasan na mabasa at mabilad sa araw ang pinaglagyan mo ng tinapay dahil siguradong maninigas ito.

Sa pagtungtung ko sa baitang na ito ay may nadagdag akong kaalaman. Sana po ay nakatulong din po sa. Mga bumabasa nito na hindi pa alam ang ganitong pangyayari kagaya ng resulta na aking eksperimentong isinasagawa. Nang sa gayon ay maiwasan ninyo ang sanhi kung bakit ng aamag or molds ang tinapay ninyo.

Iniimbita ko na magpasa rin ng kanilang diary sina @freshbeauty, @lailyn.lariosa, @nathan49.

Ang nagbahagi ng kaalaman,
Athena/ @autumnbliss

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63316.74
ETH 2581.53
USDT 1.00
SBD 2.79