The Diary Game Season 3 ( 09-06-2021) Pag Re-recycle ng Basura, 10% Para kay @steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang umaga po sa inyong lahat! Isang panibago na naman pong araw, Isang biyaya na naman na ibinigay sa ating lahat ng Panginoon at ipinagpapasalamat ko po iyon.

20210906_100521.jpg

Septyembre 6, 2021 ng umaga malapit na po ang pasukan. Magiging abala na naman po ako sa aking mga modyul. Sa Septyembre 13 na po mag sisimula ang aming klase kaya minabuti ko pong gawin ang mga kinailangan kong gawin habang hindi pa nagsisimula ang klase.

Ngayong umaga, naisipan ko pong mag-recycle ng mga basura sa aming paligid. Ito ay ang mga galon ng tubig na wala nang laman. Gagawin ko po itong taniman ng mga halaman. Noong nakaraang pasukan namin bago magtapos ang klase nanghingi ang mga guro ko sa bawat subject ng halaman para sa aming proyekto. Kaya ngayon naghanda na ako. Ang una kong ginawa ay inihanda ko ang mga kagamitan kagaya ng gunting, cutter, pliers, pako, kandila,posporo at dalawang walang laman na galon.

20210906_145225.jpg

Ang sunod kong ginawa ay hinati ko ang galon. Pangatlo binutasan ko para magkaroon ng labasan ang tubig pag nagdidilig ganon din ang ginawa ko sa kalahati ng galon binutasan ko ito sa may takipan ginamitan ko ito ng mainit na pako.

20210906_144704.jpg

Yung sa may pwet ng galon lang ang ginamit ko saka ko na lalagyan ng lupa yong hinati ko sa may baba ng galon. Pero gagamitin ko parin yon lalagyan ko ng bagong halaman manghihingi pa ako sa lola ko.
Sunod ay nilagyan ko ang bawat taniman ng halaman ng mga matatabang lupa nag galing ito sa aking tiyo hiningi ko ito sa kaniya dahil nagbubungkal siya ng mga matatabang lupa galing sa kaniyang bakuran.

20210906_144902.jpg

Pagkatapos kong ilagay ang mga matatabang lupa isinunod kong ilipat yong tanim na may bagong sibol kasi hindi na mag kakasya sa kaniyang taniman. At hayan na po ang resulta may dalawa na po akong halaman na nalipat ko sa araw na ito. Pagkatapos ay nilinisan ko ang lugar na aking ginawan itinapon ko ang lahat na mga basura sa kanilang tamang lalagyan.

At diyan na po nagtatapos ang aking diary ngayong araw salamat po sa inyong oras sa pagbabasa.😊

Aking ini-imbitihan ang aking kapwa Pilipinong steemian na sina: @lailyn.lariosa, @noaj, @chibas.arkanghil.

Maraming salamat po.

Ang iyo pong steemian sa araw na ito,
@autumnbliss

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

God Bless po!!!

 3 years ago 

Maraming salamat po sa impormasyon.

 3 years ago 

Mabuhay at Congratulations dahil isa ang post na ito sa napiling recommendation post para sa @booming upvote sa araw na ito. Maghintay na lang po bukas o higit pa kung natanggap ang post mo.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

Maraming Salamat po!!!

 3 years ago 

Opo, Maraming salamat po.

 3 years ago 

Ang galing. Mga recycled water bottles din gamit ko para sa aking mga halamang gulay.

 3 years ago 

Hello po ate, para maka save ate. Hindi na kailangan bumili ng pot.😄. Salamat ate sa pagbisita sa post ko

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 62349.28
ETH 3026.88
USDT 1.00
SBD 3.67