Steemit Philippines Photography Contest Week #4| Black and White Photography|Mga Batang Nagtampisaw sa Ulan

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Isang malamig na umaga po sa inyong lahat. Ako po ay nagagalak na magpasa rin ng entry ko sa contest na ito.

20210914_192145.jpg

Pagkagising ko nanag bandang alas 8:00 ng umaga, masyadong madilim ang paligid. Akala ko ay als 4:00 pa ng madaling araw. Ngunit pagsilip ko sa orasan nanlaki ang aking mata ng masilayan ko na als 8:00 na pala. Nakapasok na ang aking papa sa trabaho.

Nang kakain na sana ako ng agahan ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Tinakpan ko muna ang pagkain dahil masyado akong naaliw sa mga bata na naliligo sa ulan dito lang malapit sa bahay namin. Aliw na aliw sila na naliligo at yong isa natatawa ako dahil kahit na giniginaw siya ay ayaw pa rin niyang tumigil. Para sa mga bata sadyang napakasaya talaga maligo sa ulan hindi natin maitanggi iyon.

Kahit saan man sa mundo, makikita mo talagang kapag umuulan may batang maliligo. Napakababaw lang talaga ang kaligayahan ng isang bata. Sa tuwing umuulan paborito talaga nila dito malapit sa may bahay namin. Dahil masyadong malakas ang tulo ng ulan sa may bubong. Halos mag-aagawan sila sa pwesto at yong iba pa nga naghahabulan sa may putik hindi nila alintana ang dumi nito. Sa katunayan isa ito sa dahilan kung bakit ayaw kaming paligu-in ni mama sa ulan dahil sa tubig na naka pundo dito lang malapit sa amin. Lalo na ngayon na malakas na ulan medyo umapaw ito sa daanan ng mga tao.

Napaka inosente talaga ang pag-iisip ng isang bata kasi sa isip nila di nila alintana ang pagdating ng covid kasi wala silang paki-alam basta ang sa kanila ay makaligo lang sa ulan na galing sa langit. Medyo na-inggit nga ang mga kapatid ko kasi gusto rin nilang mag tampisaw sa ulan ngunit delikado naman kasi marumi ang tubig na nasa lupa. Nahalo na kasi doon sa lumang tubig na nakapundo doon noong wala pang ulan. Ngunit ang mga bata ay masayang masaya na naliligo sa ulan.

Iniimbita ko sina @freshbeauty, @agentlin423, @fuerzas na sumali rin sa contest na ito.

Ang inyong kalahok,
@autumnbliss

Sort:  
 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.9
Creativity.9
Technique.9
Overall impact.8.5
Story.8
Total.8.7

Maraming salamat sa iyong pagsali sa contest na ito.

 3 years ago 

@autumnbliss
Relevance / Adherence to the theme: Black and White Photography - Current Events
30%
Score: 90% 27

Visual Impact

The distinctiveness of the photo if a person would actually take a second glance of it and how it stands out from the rest.
30%
Score: 90% 27

Photo Quality and Composition:

This applies the basic rules in photography. Subject, background, clarity, sharpness, technique, rule of thirds, etc.
40%
Score: 95% 38

Total Score: 9.2

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9.2
2. Creativity9.3
3. Technique9.3
4. Overall impact9.4
5. Quality of story9.2
Total Ratings/Score9.3
 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.12
JST 0.026
BTC 60479.65
ETH 2906.15
USDT 1.00
SBD 2.43