Steemit Philippines Photography Contest Week 3: Pag-galang Sa Mga Nakakatanda at Pag-gamit ng Po at Opo (September 02, 2021)

in Steemit Philippines3 years ago

20210901_163415.jpg

Magandang araw po sa lahat ng steemian sa komunidad na ito. Sa pagkaka-unawa ko sa tema ng contest, ay tungkol ito sa mga kulturang Pilipino ay dapat tangkilikin at mahalin, dahil ito ay ang sariling atin. Katulad na lamang ng ating kulturang Pilipino, dahil kadalasan sa mga bagong milenyo ngayon katulad ko ay hindi na masyadong ginagamit at binibihasa. Hindi na kadalasan na tuloy na ginagamit ang ating kulturang Pilipino, sa halip kinakalimutan na lalu't-lalo na sa mga milenyo na mga Pilipino. Kaya malaking kabaliktaran iyon sa akin. Bata pa lamang kami, ay dahan-dahan ng itinuturo sa amin ng aking mga magulang ang tungkol sa ating mga kulturang Pilipino.

Isa na dito ay ang pagiging magalang sa mga nakakatanda, ang pag-mano ng mga kamay sa mga nakakatanda at ang pag-gamit ng po at opo. Ang pagiging magalang ay isa sa mga kulturang Pilipino na namana natin sa ating mga ninuno. Kaming mga milenyo ay dapat lang na maging magalang sa mga nakakatanda. Maipamalas natin ito sa pamamagitan ng pagmano sa kamay ng mga nakakatanda at pagsabi ng po at opo. Katulad na lamang nang nasa larawan na ibinabahagi ko sa inyo. Tinuruan ko ang aking nakakabatang pinsan na magmano ng kamay sa aming tiyuhin. Ginawa niya ito ng bumisita ang aming tiyuhin sa kanilang bahay. Dalawang taong gulang po lamang siya at sa mura niyang edad ay dapat malaman na niya ang tamang alituntunin, ang pag-galang sa mga nakakatanda. Dahil tatatak ito sa kanyang isipan at dadalhin niya ito hanggang sa kanyang paglaki.

Sa mga milenyo na katulad ko, na hindi pa huli ang lahat. Maging matuto tayong magalang at rumespeto sa mga matatanda. Gusto ba natin na sa kasalukuyan sa pagtanda natin ganun din ang gawin sa atin ng magiging mga anak natin sa hinaharap. Kaya habang hindi pa huli ang lahat ay umaksyon at simulan, ang pagbihasa sa ating mga kulturang Pilipino. Ang pagmano sa mga kamay ng mga nakakatanda at pagsalita ng po at opo. Ang pagiging magalang ay nagdudulot rin ito ng positibong pananaw sa atin na mga milenyo. Lalung-lalo na sa magiging mga anak natin balang araw at sa hinaharap.

Kaya, masyadong nasiyahan ang aming tiyuhin sa ina-asal ng aking nakababatang pinsan at kanyang pamangkin. Lalung-lalo na at dagdag pa niya, na hindi lang sa pag-galang sa mga matatanda. Ay dapat din na marunong din kaming rumespeto at magalang sa aming kapwa milenyo. Dahil ito ang tunay na kulturang Pilipino.

Sana po ay nakabibigay ako ng inspirasyon sa aking mga kapwa milenyong mga Pilipino. Alituntunin na pagiging magalang at rumespeto sa kapwa-tao at matatanda. Maraming salamat po, hanggang sa muli.

Ina-anyayahan kung sumali sa contest na ito, sina: @freshbeauty, @lailyn.lariosa, at papa ko si @natz04.

Ang iyong kapwa milenyong Pilipino at nagmamahal.

Athena/ @autumnbliss

Sort:  
 3 years ago 

ang po at opo ay tatak Pilipino talaga at sympre ang pagmano.

Maraming salamat sa pagbahagi.

 3 years ago 

Your welcome ate

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Culture
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/ 459Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9.5
2. Creativity8.5
3. Technique8.3
4. Overall impact8.8
5. Quality of story8.5
Total Ratings/Score8.72
 3 years ago 

Thank you for the ratings kuya @loloy2020

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 3.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account.

@steemitphcurator

God Bless po!!!

 3 years ago 

Maraming salamat din sa support @steemitphcurator

 3 years ago 
Criteria for judgingPoints 1-10
1. Relevance to the theme9
2. Creativity8.5
3. Technique8.5
4. Over all impact8.5
5. Quality of story9
Total score8.7

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 62040.10
ETH 2417.02
USDT 1.00
SBD 2.58