The Diary Game Season 3 (September 7, 2021)| Ang Aking Hilig sa Motorsiklo

in Steemit Philippines3 years ago

Hello Steemit Philippines!

Kamusta po kayo? Ito na naman po ako at magbabahagi ng aking diary game post. Nabanggit ko po sa inyo noon na mahilig po talaga ako sa motorsiklo.

Noong bago pa kami na kasal ng aking mahal na asawa ang kauna-unahan ko po na motorsiklo ay Yamaha Krypton kulay green. Year 2011 po yun. Taong 2014, naisipan ko pong palitan ang aking motor. Binenta ko ang Krypton at yung benta ay dinagdag ko at bumili ako ng second hand na Suzuki Smash na Red. Matagal-tagal ko rin gamit ang motor na iyon. Hanggang sa taon na 2016 tatlo na ang ang aming anak at hindi na kami kasya sumakay sa motor. Nagkataon din po na meron kotse na binibenta ang aming kapitbahay sa murang halaga. Na medyo abot kaya lang din ang presyo.

Para mabili namin yung sasakyan, binenta ko ulit yung aking motor at binili namin yung sasakyan ng kapitbahay na Kia Pride year 2002 Model na kulay Gray. Wala na akong motor. :D Pero yung aking father-in-law ay naawa sa akin dahil wala na akong pangservice araw-araw papunta sa trabaho. Hindi po kasi pwede na lagi kong dala ang sasakyan sa trabaho dahil matraffic po dito sa Cebu City. Matatagalan yung biyahe ko papunta at puuwi from work. Kaya pinahiram niya sa akin yung kanyang lumang Honda C-70. Gamit-gamit ko rin yun ng halos isang taon hanggang sa nakapagdesisyon akong magshift sa automatic na motorsiklo. Nakabili ako ng second hand na Yamaha Mio Amore - Sporty kulay Blue.

IMG_1005.JPG
Mio Sporty

Ginamit ko ito ng mga ilang taon at binenta ko rin :D at sympre bumili ulit ako ng ibang motor. Nag upgrade kunwari. LOL This time Suzuki Skydrive naman. Nabili ko to sa aking Father-in-law. Magpapalit kasi sya ng bago kaya nia binenta.

67802671_109205047088768_2794273841235361792_o.jpg
Suzuki Skydrive.

Dahil sa pandemic, nawili ako sa fuel injected na motorsiklo kaya pinalitan ko yung aking skydrive 125 carb ng Suzuki Skydrive Sports FI naman.

180505372_164654255577991_1620490807900780216_n.jpg
Suzuki Skydrive Sports FI

Ngayon sa sobrang tipid nia sa gasolina at maganda ang kulay dahil Magenta meron nainlove, naisip ko na naman na bumalik sa manual na motor kaya binenta ko at sumubok ulit ako sa Honda Wave 110.

241486486_557427695462147_2451808035373495745_n.jpg
Honda Wave 110

Nabili ko ang Honda Wave noong August 30, 2021, tapos nagbago isip ko kinabukasan. Naisip ko babalik ako sa automatic. LOL Magulo ba? LOL Kaya kinondisyon ko ito. Pinalitan ko ang mga dapat palitan at nachange oil tapos binenta ko ito noong September 1 na may mark up na konti para naman may bayad sa pagod ko. LOL

At ngayon dahil namiss ko yung pinakauna ko na automatic na motor na Mio Sporty 2008 Model, naghanap ako ng Mio Sporty pero mas latest na model.

241359287_4257784674290586_7429634591253783107_n.jpg

Ito na ngayon ang latest na motorsiklo ko Mio Sporty 2018 Model kulay Purple. Nabili ko noong September 4, 2021. At alam ko na naman ang iniisip nio.Hehehe Huwag kayong mag-alala hindi ko muna ito ibebenta. Gagamitin ko muna ito. :D Update ko nalng po kayo if ibebenta ko na ulit. LOL

Maraming salamat po sa pagbasa hanggang dito. Naway ligtas kayo at nasa mabuting kalagayan.

Ang inyong kaibigan,

@arjayyuson

P.S. Inaanyayahan ko po sila @jewel89, @aidelejoie, @reginecruz na sumali din dito sa Diary Game.

Sort:  
 3 years ago 

Ahahaha dahil sa kadami di alam anong piliin

 3 years ago 

hahah minsan din po Ate iba iba ang trip :D. maraming salamat po sa pagbisita.

 3 years ago 

Omg Kuya @arjayyuson sana all paiba iba ng broom broom 😂 habang binabasa kopo diary nyu hindi na nataanggal yung smile ko at tawa ahehehehe
..gusto ko din matuto mag motor soon papaturo ako sa aking partner. Anyway, ang ganda po ng pinaka latest nyu ngayong motor na Mio Sporty 2018

 3 years ago 

Hehehe salamat! oo paturo ka magmotor. Si Ate Met mo nga eh tinuturuan ko magmotor.

 3 years ago 

Yong sa anak ko noon Mio now, sold out at pinalitan ng ibang klase na pwd sasakay ang mga bata

 3 years ago 

ito now nay pwede sumakay bata. sinasakay ko tatlo anak namin. :D

Thank you u po sa pagbisita at upvote.

 3 years ago 

wow! mahilig din kami sa motor ni hubby. Nagstart kami sa Honda xrm tapos binenta namin dahil ang daming naaksidente ilang friends namin namatay kaya nirevall yong hinda xrm then nagkawasaki din kami semi automatic ginagamit ko din sya nun pagpasok ko sa work kasi mas mabilis and fuel efficient sya plus no worries sa traffic. After nun dahil nakikita ni hubby kaskasera kasi ako mas mabilis pa akong magmaneho kesa sa kanya ayaw na nya akong magmotor ng ilang taon, Bumili sya para sa kanya nalang,.kawasaki rouser sa laki at bigat hindi ko kayang idrive para daw hindi ko itatakas... ahahaha
Tapos biglang yonf bayaw ko may motor silang hindi na kaya g bayaran kesa mareposess lang binili na namin assume the balance. Kaya may yamaha mio sporty din kami ngayon. Pang service na din namin ginagamit ng anak ko na din. Masarap magmotor grabe lalo oag long drive ang sarap magpalipad pero sympre ingat pa din and always defensive driver pa din katulad ng sa sasakyan.
Ang dami mo ding naging motor ang cute pa ng colors nila pang girl.. haha
Ingat lang din talaga sa kalsada. Ride safely brother. Si sister Met ba marunong magmotor?

 3 years ago 

hahah mas kaskasero ka pa pala kay asawa nio po. dati naglolong drive din ako with my friends.. sarap ng long drive..

Hindi pa marunong magdrive, pero tinuturaan ko sya ngayon magmaneho ng motor.

maraming salamat po sa pagbisita.

 3 years ago 

Your welcome po brother.

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Contest

Diary Game Contest with new Rule Added

God Bless po!!!

 3 years ago 

May skydrive din ako dati, binenta namin..

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63818.94
ETH 2624.28
USDT 1.00
SBD 2.78