The Diary Game Season 3 (September 29, 2021 | Kamote Cheese Balls

in Steemit Philippines3 years ago

Kamote Cheese Balls.png

Magandang araw Steemit Philippines!

Kamusta kayong lahat? Dito sa amin sa kasalukuyan habang gumagawa ako ng post na ito ay umuulan ng malakas.

Ngayon ibabahagi ko sa inyo ang niluto ko kahapon para sa aking mga anak at asawa pagkatapos namin sagutin ang modules nila. Gumawa ako ng Kamote cheese balls. Noong Lunes ng hapon, na-steam na ni misis ang mga kamote. Nabili ko sa palengke noong isang araw ang isang kilo nito. Plano sana namin gumawa ng recipe para sa Youtube channel nya. Pero hindi po ito natuloy. Nag experimento ako kung paano gawin ang Kamote cheese balls.

IMG_20210927_144946.jpg
Kamote na-steam ng 15 minutes.

IMG_20210927_151402.jpg
Luto na.

Pagtapos po na ma-steam, dinurog po ito ng aking asawa at tinulungan siya ng aming mga anak. Medyo matagal- tagal din po nadurog. Hindi ko na po nakunan ng larawan sila. Basta isipin nio na lang po maraming "mess" sa lamesa. heheh

Ang mga ingredients po na ginamit ko sa paggawa ng recipe na ito ay sympre yung durog na kamote, asukal, all purpose flour, canola oil, at yung cheese. Pasensya po hindi ko na sinukat kung gaano kadami yung nilagay ko. Tantsa ko lang LOL. Gumamit din po pala ako ng matika para sa pagprito.

Ang procedure po na ginawa ko ay hinalo ko lahat ng ingredients (kamote, all purpose flour, asukal, at yung oil.) Tapos kumuha ako ng katamtamang "amount" na ginawa kong bilog at nilagyan ng cheese sa gitna. Matapos kong gawing bilog lahat, pinrito ko sila lahat hanggang ito ay nag golden brown.

IMG_20210928_135552.jpg

At ito na ang finish product. Nagustuhan naman ng mga bata. Sarap na sarap sila. Pati ako at ang aking asawa. Gusto pa nga ng mga bata na gumawa ako ulit. Nakulangan hehe. Sabi ko naman, sa susunod bili ako ulit ng kamote at gawin natin ganito.

Noong bata pa po kasi ako, yung nanay ko ay mahilig din gumawa ng kung ano-anong pagkain gamit ang kamote. Kaya siguro namana ko rin at ginawa ko rin ito sa para sa aming mga anak ngayon.

Kayo po? Mahilig din po ba kayo sa kamote?

Maraming salamat po sa pagbabasa. Inaanyayahan ko po si @me2selah, @jurich60 at @jewel89 na sumali sa contest na ito.

Hanggang dito nalang po. Ingat po tayong lahat!

Ang inyong Kaibigan,

@arjayyuson

Sort:  
 3 years ago 

Ay wow gusto ko din po gawan kids ko nyan 😍🤩 im sure yummeh po yan lalo na nilagyan nyu ng cheese 😋
Thanks for sharing po Kuya @arjayyuson 😊

 3 years ago 

yummy po talaga. d po tumagal ng isang oras haha

 3 years ago 

Hello Sir @arjayyuson 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong diary post sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 19.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

ang sarap naman nyan sir, maganda sa pamgmeryenda 😊

 3 years ago 

maraming salamat po!

 3 years ago 

Walang anuman po 😊Godbless you.

 3 years ago 

Sarap yan ahh inisip ko naman peanut butter ang sa loob. Sarap din yon.

 3 years ago 

hmmm matry nga rin po yan. salamat po sa suggestion. ibang variation naman.

 3 years ago 

Nakakagutom!

 3 years ago 

kain tayo sir! kaso ubos na hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 61702.75
ETH 2485.85
USDT 1.00
SBD 2.65